Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality parang alipin kung sigawan ang pamilya

0 353

Hindi man direktang magsalita ang mga taong sangkot sa pinagdadaanan ngayon ng isang kilalang male personality ay merong mga taong nakakaalam ng mga dahilan kung bakit naging magulo ang sitwasyon ng kanyang pamilya.

Masakit diumano sa pandinig ang mga sinabi ng male personality na parang pera-pera lang pala ang mahalaga sa mga taong mahal niya.

Kuwento ng isang source, “Hindi totoo ‘yun, matagal na panahon nang nagtitiis sa kanya ang mga taong sinasabi niya na basta nang-iwan na lang sa kanya.

“Mula nu’ng magbisyo siya, e, nagbago na ang buhay nila. Napabayaan niya na ang trabaho niya, wala na siyang disiplina mula nu’n, palagi siyang wasted.

“Hindi siya pinabayaan ng family niya, inalagaan pa rin siya, pero matigas ang ulo niya. Alam na nga niyang bawal sa kanya ang pagbibisyo, pero wala siyang pinakikinggan,” umpisang kuwento ng aming impormante.

‘Yun ang mga panahong nagbago na rin ang ugali ng male personality, mahirap na siyang pakisamahan, dahil sa hindi niya maiwan-iwanang bisyo.

Sabi uli ng aming source, “Palagi na siyang nakasigaw, hindi na siya makausap nang maayos, pasinghal siya kung magsalita. Pero sige pa rin, pinagtitiisan pa rin siya ng family niya.

“Nakakaawa nga ang wife niya, pati ang mga anak niya, dahil kung itrato niya, e, hindi na maayos. Kung sigaw-sigawan niya ang mag-iina niya, e, parang mga alipin niya.

“Kinaya pa rin nila ‘yun, inaalagaan pa rin siya, hanggang sa dumating na nga sila sa point na sumusuko na sila dahil hindi pa rin naman nagbabago ang male personality.

“Ayaw niyang pinakikialaman siya, ayaw niyang pinagpapayuhan siya, matigas ang ulo niya! Nagsasakripisyo na nga ang pamilya niya, pero walang importansiya sa kanya ‘yun!

“Kaya huwag sabihing pera-pera lang ang nangyari, may malalim na pinag-ugatan ang magulong sitwasyon ng pamilya niya, siya lang ang dapat sisihin kung bakit sila nagkaganyan,” madiing pagtatapos ng aming source.

Willie walang hiningin pabor kay Noynoy

Totoo ang sinabi ni Kris Aquino na walang anumang pakinabang na nakuha si Willie Revillame sa panunungkulan ng kanyang ina at kapatid bilang pangulo.

Malayo sa bituka ni Willie ang humingi ng pabor, siya ang palaging nilalapitan at hinihingan ng tulong, sinserong pagkakaibigan ang ibinigay niya kay Kris.

Mahal ni Willie ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, basta may sapat na panahon si Willie ay dinadalaw niya ang magkapatid, lalo na si Josh na aminadong numero-uno itong fan ng kanyang tito.

Hindi sila nagkikita araw-araw, paminsan-minsan lang din silang magkakuwentuhan nang mahabaan, pero ang tunay na pagkakaibigan naman ay hindi sinusukat sa dalas at dalang ng pagsasama.

‘Yun ang dahilan kung bakit nirerespeto ni Kris si Willie. Alam na alam ni Kris ang ugali ng kanyang kaibigan. Sa maraming pagkakataon ay puwede namang humingi ng pabor si Willie sa kanyang kuyang pangulo pero hindi ‘yun ginawa ng aktor-TV host.

Makita lang ni Kris na maligaya ang kanyang panganay ay matinding kaligayahan na ‘yun para sa kanya. Ang CD at jacket na ibinibigay ni Willie kay Josh ay nakatabi, iniingatan ni Josh, habang bumibiyahe sila ay ‘yun ang kanyang pinatutugtog.

Nu’ng nagtatrabaho pa silang pareho sa ABS-CBN ay iniiwan ni Kris sa dressing room ni Willie sina Joshua at Bimby. Habang gumigiling ang mga camera ng Game Ka Na Ba? ay naglalaro naman ang magkapatid, inaasikaso ni Willie, na mas nagpatibay pa sa pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.