Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality payatot ang binti

0 480

Sa kaguwapuhang ‘yun ng isang pamosong male personality ay may matindi pa rin pala siyang insekuridad. Mukha pa lang niya ay puhunan na pero marami pa rin palang multong kinatatakutan ang guwapong aktor sa kanyang utak.

‘Yun ang dahilan kung bakit pikon siya, kung bakit parang laging nagsusuplado, meron kasi siyang pinagtatakpan.

Kuwento ng aming source, “Dahil napakaguwapo niya, ang akala ng iba, e, okey na okey na ang male personality na ‘yun. Wala na siyang hahanapin pa, kumpleto na siya.

“Pero ang hindi alam ng marami, e, napakarami niyang kinatatakutan, marami siyang hinahanap sa sarili niya, kaya ganu’n siya umasta!” unang chika ng aming source.

Mukha lang ang perpek sa kanya, walang labis-walang kulang ang itsura niya, pero hindi ‘yun sumasapat sa male personality.

Patuloy ng aming source, “Gusto niyang magpalaki ng katawan, ‘yung may mga abs din siya na tulad ng mga ka-age niya. Pero hindi niya ‘yun ma-achieve kahit pa matulog na siya at tumira sa gym!

“Gusto rin niyang magpalaki ng mga hita at binti niya, pero malaking problema para sa kanya ‘yun, maliit na ang mga hita niya, sobrang payatot pa ng mga binti niya!

“Grabe ang kapayatan ng mga legs niya, kaya pansinin n’yo, kahit sa mga endorsements niya, e, walang nagtatagumpay na pagsuutin siya ng shorts!

“Hanggang pantalon at jogging pants lang siya, itinatapon niya ang shorts, dahil madi-display ang maliliit niyang legs na parang sa manok,” madiing kuwento ng aming impormante.

Ang dami-daming artistang malalaki nga ang katawan pero kulang naman sa kaguwapuhan. May katulad naman ng male personality na ito na super-guwapo nga pero manipis naman ang katawan.

“Pangarap niyang magpalaki ng katawan, du’n siya sobrang insecure, ginagawa niya naman ang lahat pero mukhang mailap sa kanya.

“Bahala na kayong pumili kung ano ang paborito n’yong color. Red, white or blue?” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

SM food to go Banner Ad

Sharon umalma na ‘OA’ umiyak

Sinasamantala na ni Sharon Cuneta ang kanyang bakasyon sa Amerika. Pandemya nga naman, mahirap magbiyahe nang basta-basta, kaya sinusuyod niya na ang mga taong mahal niya para madalaw.

Maraming kaibigan si Sharon sa Amerika, mga kaibigan na ang iba ay napakatagal na niyang hindi nakikita, ‘yun ang pinagkakaabalahan niya ngayon habang nasa bakasyon.

Sabi ng Megastar, “Sila ‘yung mga friends ko nu’ng nasa high school pa kami. Nag-iba-iba na ang kapalaran namin. But we still get in touch naman through social media.

“Pero dekada na kaming hindi nagkikita, sobrang miss ko na sila. Kumpleto ako ng address ng mga friends ko nasaan man sila. Merong nasa US, may nasa Europe at Canada, kahit saan sila nandu’n, I know how to find them.

“Nakatago sa akin ‘yun, ako pa ba? Kailangan ko na ngang magpagawa ng special place sa bahay namin na ang magiging laman lang, e, lahat ng mga importanteng memories sa buhay ko. I keep their cards, our pictures nu’ng mga estudyante pa kami.

“Kung puwede nga lang na pati ang mga flowers na ibinibigay sa akin ng nga Sharonians, e, itago ko rin, kaso, baka mapuno ang buong bahay sa dami!” masayang kuwento ng sentimental na aktres.

Mabilis siyang umiyak, basta malapit sa kanyang puso ang nasasaktan, mas matindi pa ang sakit na nararamdaman ng Megastar.

“May nagsasabi na OA daw ako, iyak nang iyak. Pero may nakapipigil ba sa luha? You cry for two reasons. You’re hurt o masaya ka. Walang nakapipigil sa pag-iyak!

“It comes from the heart, galing sa puso ‘yun, mahirap umiyak kapag hindi ka naman sincere,” kuwento pa ni Mega.

Konting panahon pa at pabalik na rin siya. Sobrang sabik na siyang makasama uli ang kanyang pamilya na araw-araw niyang kausap dahil sa kanilang distansiya ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.