Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality pikon

0 147

Kung bakit naman kasi natiyempuhang mapanood ng isang grupo ng mga taga-showbiz ang isang eksena na napikon sa kanyang kaibigan-katropa ang bumibida sa isang serye.

Napikon ang bida, tinutukan ng baril ang kanyang katropa, pagkakita ng grupo sa eksenang ‘yun ay nag-apiran silang lahat.

Parang meron silang naalala, parang hindi lang sa harap ng mga camera ‘yun nagaganap, matagal kasi nilang nakatrabaho ang starring na male personality sa serye.

Kuwento ng aming impormante, “May pagkapikon kasi ‘yung male personality, mabilis siyang maapektuhan, parang palaging mainitin ang ulo niya. kahit ang mga extra sa serye nila, ganu’n din ang mga kuwento.

“Hindi nila kayang sabayan ang kakaibang ugali ng male personality, marami kasi siyang pinapansin, lalo na kapag break na nila sa taping,” unang patikim na kuwento ng aming source.

Kapag may mga nagkukuwentuhan ay pinagbabawalan ng male personality, ayaw niya sa mga nag-iingay, samantalang oras naman ‘yun ng kanilang pahinga.

“Break nga nila ‘yun, e! Kumbaga, hindi naman ‘yun linya ng trabaho, pahinga sila sa pagharap sa mga camera, kaya okey lang namang magkuwentuhan sila, di ba?

“Pero ayaw niya sa ganu’n, kailangan, kapag break nila sa trabaho, e, hindi nag-iingay ang mga extra. Nagagalit siya, ayaw niya talagang nakikitang nagtatawanan at nagkakutuwaan ang mga kasamahan niya sa set,” natatawang kuwento pa ng source.

Maigsi nga kuno ang pasensiya ng male personality, maigsi lang ang kanyang pinaghuhugutan ng lawak ng isip, kaya maraming naiilang sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Kaya nga nu’ng mapanood ng grupo ang eksenang napikon siya sa kasamahan niya sa istorya, e, hindi na sila nagtaka. Parang hindi kuno umaarte ang male personality, parang true-to-life ang eksenang ‘yun!
“Ganu’n kasi talaga siya kapikon sa totoong buhay!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

SM food to go Banner Ad

Xander ‘walang kakampi’ sa kulong

Nakakulong ngayon si Xander Ford dahil sa asuntong isinampa ng kanyang dating karelasyon laban sa kanya. Lumabas ang warrant of arrest, dinampot siya, maaari lang siyang pansamantalang makalaya kapag naglagak siya ng piyansang disiotso mil.

Nakalulungkot ang ganu’ng senaryo para sa kahit sino, pero mas nakakalungkot ang reaksiyon ng mga netizens sa sinapit ni Xander Ford, walang kumakampi sa kanya.

Maaaring ang mga nagpo-post ng negatibo tungkol kay Xander ay mga tagahanga ng mga artistang inalipusta niya nu’n. Sumobra kasi ang kayabangan ng retokadong ito, akala niya ay habambuhay na siyang kilala, kaya lumutang ang sobra-sobra niyang kaangasan.

Una niyang pinintasan si Kathryn Bernardo, pinagtawanan niya ang aktres, dahil sakang na sakang daw. Meron daw ba namang artistang sumikat nga pero sakang naman?

Marami siyang sinagasaang personalidad, kaliwa’t kanang pamimintas ang pinalutang niya, sarap na sarap nu’n ang mokong na ito kapag pinag-uusapan siya.

Hindi niya alam na uso lang siya nu’n, pinagpistahan ang malaking pagbabago ng kanyang itsura nu’ng magpasalamat po, doktor na siya. Akala ni Xander ay sikat na sikat na siya.

Komento ng isang netizen, “’Yan ang napala mo sa sobrang kahambugan mo! Akala mo siguro, e, sikat ka na nga, kaya ayan, naghihimas ka ng malamig na rehas dahil sa kayabangan mo!”

Totoo naman ang komento, napakayabang ng Xander Ford na ito, nag-ilusyon siya na sikat na sikat na siya nu’n dahil palagi siyang laman ng mga pahayagan at iba-ibang programa sa telebisyon.

Ayan tuloy, laman siya ng selda ngayon, humihingi ng awa sa nagdemanda sa kanya, patawarin na raw sana siya, hindi bagay sa kanya ang pagpapakumbaba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.