Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality pinagdamot ang fried chicken sa mga anak

0 522

Nagkaroon ng positibong bunga ang pagiging mahusay sa paghawak ng kanyang kinikita ang isang kilalang male personality. Sa madaling salita, isa siyang kuripot, may garter ang kanyang bulsa.

Maraming kuwentong naaalala ang kanyang mga kapwa artista kaya siya tinawag na Mr. Curie, short for kuripot, matagal na siyang ganu’n.

Kuwento ng isang source, “Hindi na nakapagtataka kung yumaman man siya dahil talagang ganu’n ang nagiging kapalaran ng mga magaling sa paghawak ng datung!

“Bihirang maglabas ng pera, kailangang malalim ang dahilan kung maglalabas man, ganu’n ang naging ikot ng buhay ng lolo n’yo!

“Hindi siya puwedeng gumastos nang walang katuturan, pinagpupuyatan at pinaghihirapan niya ‘yun!” unang kuwento ng aming impormante.

Siya ang kumokontrol ng gastusin nila sa bahay, kakambal niya ang calculator, kahit sa paglabas nilang mag-anak para mag-dinner ay siya rin ang mayhawak ng susi sa mga oorderin nilang pagkain.

Patuloy na kuwento ng aming source, “May kapitbahay kaming waiter, siya mismo ang witness sa pagiging kuripot nu’ng male personality. Gustung-gusto ng fried chicken ng mga anak niya, kaso, ayaw niya, mahal daw kasi.

“So, kapag hawak niya na pala ang menu, e, hindi naman ang food ang una niyang tinitingnan, kundi ang presyo. Kung ano ang mura lang, ‘yun ang oorderin niya kahit ayaw naman ng mga kasama niyang kakain!

“Natural, sabik ang mga anak niya sa food na galing sa resto, di ba? Pero hindi sila nagtatagumpay, si fadir pa rin ang may kontrol ng kung ano lang ang kakainin nila!

“At walang juice, walang shake, water lang! Nakakaloka siya, di ba? Ang lakas-lakas niyang kumita, pero pinagdadamutan niya naman ang pamilya niya!” napapailing na kuwento uli ng aming source.

Mayamang-mayaman na ngayon ang male personality, napakarami na niyang nabibiling ari-arian, sigurado na ang kinabukasan ng kanyang mga anak dahil sa naiipon niya.

Huling sabi ng aming source, “Magpakabusog siya sa datung niya! Kainin niya ang mga nabili niyang properties! Kahit nga ang utol niya, e, hindi niya tinutulungan!”

Alden ‘di atat kay Kathryn

May pandemya man o wala, pinakamabangong personalidad pa rin si Alden Richards, literal na ang kanyang kabanguhan ay mabangung-mabango pa ang kanyang imahe.

Mahal na mahal ng publiko ang Pambansang Bae dahil hindi siya palasawsaw sa kung anu-anong issue, wala siyang tinatapakang kahit sino, tahimik lang ang kanyang buhay.

Pero siyempre, dahil sikat na sikat si Alden ay para siyang puno na hitik sa bunga na niyuyugyog ng mga naiinggit sa kanyang tagumpay, ayaw siyang tantanan ng mga walang magawa sa buhay.

Umariba na naman ang mga nakabantay sa kanyang pang-araw-araw na buhay, nag-post lang si Alden ng isang retrato na nilagyan niya ng caption na “Feeling barista” ay nabulabog na naman ang mga taong naghihintay lang ng butas para siya upakan, huwag daw siyang ilusyunado.

Hindi na raw siya dapat umasang magkakaroon pa ng ikalawang sultada ang matagumpay nilang pelikula ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye,” imposible na raw mangyari ‘yun.

Nag-ugat din ‘yun sa pagkokomento ni Joross Gamboa na kasama nila sa pelikula, “Ethan” lang naman ‘yun, na pangalan ng kanyang karakter sa “HLG.”

Sino ba ang nangangailangan kanino ngayon? Atat na atat ba si Alden na magkaroon ng part 2 ang pelikula nila ni Kathryn? Uminom naman sana ng kape paminsan-minsan ang mga bumibira kay Alden para kahit paano’y nerbiyusin naman sila.

Punumpuno ang kanyang kalendaryo sa kabila ng pandemya, kailangan niyang tumanggi sa maraming proyekto, ang tinanguan lang niya ay ang seryeng “The World Between Us” na katambal ang maganda at magaling na aktres na si Jasmine Curtis Smith.

Male

Leave A Reply

Your email address will not be published.