Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality pinagtatawanan ng kapwa artista

0 533

Haaay, sabi ng aming source, “Kung alam lang ng isang kilalang male personality kung paano siya pinagtatawanan ng mga kapwa niya artista, baka pumak-up na siya!”

Kilalang-kilala ang lalaking personalidad na ito, meron na rin naman siyang napatunayan kahit paano, pero pinakamarkado siya sa pagiging makuda nang wala sa tiyempo.

Kuwento ng aming impormante, “Kung alam lang ni ____(pangalan ng pamosong male personality) na ginagawa siyang comedy sa mga umpukan, e, baka magwarla siya!

“Mahilig pa naman siyang maghamon, di ba? Kapag umeepal siya, e, wala siyang ginawa kundi ang maghamon nang walang patumangga, makaeksena lang siya!

“E, bakit nga naman hindi niya gagawin ang pag-epal kahit sa social media lang? Busy ba siya? May work ba siya? Wala naman kasi siyang ginagawa, kaya kesa sa makalimutan siya ng publiko, umeepal na lang siya kahit wala naman sa tiyempo ang mga kuda niya!” unang kuwento ng aming source.

Ayon sa aming source ay walang pinipiling pakisawsawan ang male personality na ito. May hanash siya tungkol sa mundo ng pulitika, tungkol sa industriya, basta makakuda lang siya.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n naman talaga ang mga taong sobra-sobra ang oras sa maghapon. Kesa sa tumunganga lang sila, e, naghahanap sila ng puwede nilang gawin!

“Tulad ng male personality na ito, kuda siya nang kuda! Kesehodang tungkol sa pulitika ‘yun, sa religion, sa history ng ating bayan, napakarami niyang kuda!

“Naku, pinagtatawanan lang siya ng mga kasamahan niyang artista, isa siyang malaking komedya, nakakatawa naman kasi ang mga pinagsasasabi niya, e! Kumukulo ang dugo niya ngayon, pero kapag may mga kumokontra na sa kanya, bigla naman siyang kakambiyo!

“Pero ang gusto niyang iparating na image, e, matindi ang prinsipyo niya, di ba? Naku, nu’ng minsan nga sa isang taping, siya ang dahilan ng mga halakhakan!

“Tantanan na kasi niya ang pagkuda para lang may makapansin sa kanya. Magtrabaho na lang uli siya, tingnan natin kung may manood pa ng mga pelikula niya! Kung ayaw niyang magbanat ng buto, ipaghele niya na lang ang anak niya!” pagtatapos ng aming impormante.

AshMatt amoy batian kay Mommy Divine

Huwag na tayong magulat kapag isang araw ay lumabas ang balitang nagkasundo na si Sarah Geronimo at ang kanyang pamilya. Natural, kasama si Matteo Guidicelli sa positibong balita, happy family na sila uli.

Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nagbulong sa amin na lumiliit na ang gap na namamagitan sa mag-asawa at sa pamilya ni Sarah.

“Basta, may mga nangyayari nang hindi natin alam. Meron nang paunti-unting nangyayari, kaya huwag na kayong magulat kapag may lumabas na kuwentong okey na sina Matteo at Sarah at ang family Geronimo,” madiing sabi ng aming source.

Bukod sa respetong ibinibigay nina Sarah at Matteo sa mga magulang ng babae ay marami pang taong nagtutulay para sa kanilang pagkakasundo.

Komento uli ng aming source, “Mahal na mahal nina Daddy Delfin at Mommy Divine si Sarah. ‘Yun nga ang dahilan kung bakit lumalim ang galit nila sa pag-aasawa ni Sarah nang wala silang bendisyon, e!

“Pero alam n’yo naman kung gaano kagaling ang panahon sa pagpapagaling ng sugat, di ba? Time heals all wounds, sabi nga.

“Saka may mga common friends sila na nagbi-bridge, sila ang gumagawa ng paraan para sila ma-patch-up, hindi nila mapapahindian ang mga taong ‘yun!

“Ang ganda-ganda kapag nangyari ‘yun, wala nang magiging pinakamaligayang tao sa mundo kundi si Sarah. Maligaya na siya kay Matteo, matutuldukan pa ang gap nila ng kanyang parents, napaka-positive ng balitang ‘yun!” masayang pagtatapos ng aming impormante.

Harinawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.