Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality pinahiya ng dating dyowa

0 248

Masayang-masaya na ngayon ang isang pamosong male personality sa pinili niyang larangan. Siya ang makapagpapatunay na ang kaligayahan ay wala sa karangyaan sa buhay.

Hindi nasusukat ang saya at katahimikan ng kalooban sa pera, sa kung anu-anong granatsa, lalo na kung hindi niya na kayang sikmurain ang mga nagaganap sa kanyang buhay.

Kuwento ng aming source, “Ngayon na lang siya uli nakikita ng mga katrabaho niya na humahalakhak. Nawala sa kanya nang mahabang panahon ang ganu’n.

“Para kasi siyang nakatungtong sa bubog nu’ng karelasyon pa niya ang isang female personality na kung anu-anong mali ang hinahanap sa kanya. Lahat na lang ng gawin niya, e, mali, wala na siyang nagagawang tama para sa girl!” unang sultada ng aming impormante.

Kung matagumpay ang babaeng personalidad sa nililinyahan nitong karera ay ganu’n din ang male personality, pareho lang silang may maipagmamalaki sa mga ginagawa nila, kaya nga lang ay hindi talaga sila compatible.

Patuloy ng aming source, “Fault finder kasi ang karelasyon niya. Palaging ang mga kapintasan niya ang pinapansin. Natural, kapag ganu’n, e, nawawalan na rin ng tiwala sa sarili niya ang guy kapag palaging ang mga mali niya ang pinapansin ng babae!

“Pero ang pinakaayaw niya talaga, e, kapag ipinapahiya siya ng girl sa harap ng mga kaibigan nila. Ugaling-ugali ‘yun ng babae. Siya pa ang nangangalandakan ng mga pagkukulang ng guy!

“Instead na siya ang mag-angat sa karelasyon niya, e, siya pa ang naghahanap ng mga mali,” isa pang bagsak na kuwento ng aming source.

Pero nakatagpo ang male personality ng isang babaeng sobra ang suporta sa kanyang karera, marunong itong magpahalaga kahit pa magkaiba ang kanilang lahi, napakalayo sa female personality na ang akala ay kanyang-kanya na ang mundo.

“Happy na siya ngayon, napakaayos ng relayon nila ng mother ng mga anak niya, wala na siyang inaalalang anuman, kapag nagkakamali siya, e, walang nampapahiya sa kanya!

“Ang girl? Ayun, naghahanap pa rin siya ng makakarelasyon! Pero wala naman siyang matagpuan! Look lang siya nang look pero wala namang nagmamahal sa kanya. Maligalig kasi ang babaeng ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante habang nakataas ang kilay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Raffy umangal sa mababang rating ng show

Isang napakalaking insulto para sa mga tagasuporta ng palabang news anchor na si Raffy Tulfo ang mababang rating ng kanyang programang Raffy Tulfo: Idol In Action sa TV5.

Kung ano ang ginagawang basehan ng mga kumpanyang naglalabas ng rating ng mga programa sa telebisyon ay isang napakalaking tandang-pananong para sa mapusong broadcaster.

Halos dalawampung milyon na ang kanyang followers sa YouTube, milyun-milyon din ang sumusubaybay sa kanya sa Facebook, ang kanyang live viewers tuwing tanghali ay ilampung libo rin.

Iba pa ang mataas niyang suporta sa TV5, sa Cignal One PH, pero bakit kapag lumalabas na ang rating ng magkakatapatang programa ay napakababa ng kanyang numero?

Hindi para sa kanya ang inilalabas na sentimyento ni Raffy Tulfo, nalulungkot siya para sa ating mga kababayan na talagang sumusubaybay sa kanyang Raffy Tulfo: Idol In Action, sumbungan ng bayan ngayon ang walang inuurungang broadcaster.

‘Yung effort na ginagawa ng mga kababayan natin, ‘yung panahong ibinibigay ng mga ito sa kanya, hinahanap ‘yun ni Raffy Tulfo.

Ano raw ba ang ginagawang barometro sa pagbibigay ng rating? Hindi ba ‘yun idinadaan sa bilang ng mga tagasuporta? Kung ‘yun ang paraan ay isa lang ang malinaw, dapat ay mataas na porsiyento ang nakukuha ng kanyang programa, dapat ay nasa unang puwesto ang Raffy Tulfo: Idol In Action.

Pero bakit nasa ilalim ‘yun ng labanan sa rating?

Leave A Reply

Your email address will not be published.