Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality pinapalayas sa abroad

0 785

Nakakaloka naman talaga ang isang kuwentong kinasasangkutan ng isang kilalang male personality. Nagpunta siya sa ibang bansa, may mga Pinoy na nakakita sa kanya sa airport, may mga bumabati sa kanya.

Pero parang wala siyang naririnig, diretso lang siya sa paglakad, deadma lang siya sa mga kababayan nating bumabati sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Hindi talaga siya namamansin, wala siyang pakialam, para pa nga siyang nakasimangot. May isang grupong nagtangkang magpa-picture na kasama siya, wala pa rin siyang pakialam, deadmatology lang ang male personality.

“Totoo raw palang may kasupladuhan ang male personality, sabi ng mga kababayan natin, dahil hindi man lang siya ngumingiti!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Sa isang pagkakataon ay meron pang isang grupo ng mga Pinoy na nakapansin sa kanya, natural lang na batiin at ngitian siya ng grupo, pero nagsalita ang aktor-aktoran.

Ang kanyang sabi, “Hindi na ako active sa pag-aartista, I don’t have to be nice to anyone. Hindi ko na kayo kailangang i-please.”

Naloka ang grupo, napakasuplado nga naman ng male personality, bait-baitan lang pala siya nu’n dahil sa kanyang career.

Patuloy ng aming source, “Heto na. may kumatok sa bahay ng isa sa mga pinagsalitaan ng male personality. Nagulat siya! ‘Yung aktor-aktoran na sumopla sa grupo nila ang dumating sa kanilang bahay!

“Galit na galit ang girl, pinalalayas ang male personality sa brother niya. Ikinuwento niya ang nangyari sa airport na sinopla-sopla sila ng artistang ‘yun!

“Nakiusap ang brother ng kababayan natin, pansamantala lang daw namang mag-i-stay sa kanila ang male personality, susunduin din ng relative niya. pinakiusapan lang daw siya ng friend niya na tanggapin sa house nila ang male personality.

“Sabi ng girl, ‘Napakasuplado niya! Palayasin mo ‘yan, wala naman pala siyang pang-hotel!’ Inis na inis sa kanya ang girl, akalain mo nga naman?

“’Yung pinagsupladuhan pala ng male personality, e, ang mismong may-ari ng bahay na titirhan niya? Nakakaloka siya! Baka naman kasi sa liit ng mga mata niya, e, hindi niya nakikita ang mga bumabati sa kanya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Gabby dedma sa Mother’s Day post ni KC kay Sharon

Napakasarap basahin ng ipinost na pagbati ni KC Concepcion sa kanyang ina nu’ng Mother’s Day. Tinibag na mensaheng ‘yun ang paghusga ng iba na may hindi pagkakaunawaan si KC at ang kanyang inang si Sharon Cuneta.

Alam ni KC ang totoo na mag-isa lang siyang pinalaki ng kanyang mommy, ginagawang araw ni Sharon ang gabi para lang ibigay sa kanya ang nararapat, dahil hindi naman siya sinusustentuhan ni Gabby Concepcion.

Siguradong alam din ni KC na hindi pa tapos ang pagdinig sa pagpapawalang-bisa sa kasal ng kanyang mga magulang ay pinakasalan na agad ni Gabby si Jenny Syquia. Patung-patong na kaso ang isinampa laban kay Gabby ni Jenny.

Kung tutuusin ay napakabait pa rin ni Sharon Cuneta. Puwede ring kasuhan ng Megastar ang ama ng kanyang anak dahil sa pagpapakasal kay Jenny nang hindi pa natatapos ang kanilang annulment pero hindi na ito nakisali pa sa asunto.

Madalas na nakakasama ni KC si Gabby, nagba-bonding ang mag-ama, isa lang ang ibig ipakahulugan du’n ng marami. Hindi sinisiraan ni Sharon kay KC ang kanyang tatay.

Napakaraming puwedeng ikuwento ni Sharon sa kanyang panganay pero hindi nito ginawa, kung ginawa ‘yun ni Mega ay siguradong makakaapekto ‘yun kay KC, lalayo ang loob niya kay Gabby.

Hindi man lang daw ni-like ni Gabby ang Mother’s Day post ni KC kay Sharon, maraming nakapansin, mabuti pa raw ang ibang personalidad at naalalang batiin ng aktor.

Susme naman! Ikamamatay ba ni Sharon kundi man ito batiin ni Gabby? Sabi nga ni prop, “Holy cow!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.