Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality puro gasgas ang kotse

0 285

Kani-kanyang kuwento na ngayon ang mga anghel dela depensa ng mga personalidad na may matinding pinagdadaanan na balitang-balitang mauuwi na sa hiwalayan.

Maligalig ang kanilang relasyon ngayon, kailangang upuan nang masinsinan ng mga personalidad na sangkot sa kontrobersiya ang kanilang problema, walang milagrong magagawa ang social media para sa kanila.

Maraming nakasaksi sa kanilang relasyon, ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan, dahil maraming kumokontra sa male personality bilang karelasyon ng aktres.

Naalala ng aming source, “Nu’ng nanliligaw pa lang ang male personality kay girl, e, sinabihan ng family niya ang babae na huwag siyang nagpapaligaw sa labas ng bahay nila!

“Kailangang dumalaw ang guy sa bahay, kailangang sa bahay lang ng girl sila nagkikita, hindi sa kung saan-saan! So, ganu’n naman ang ginawa ng male personality,” unang sultada ng aming source.

Masunurin naman ang male personality, marespeto siya, kaya personal niyang dinadalaw ang dalaga sa kanilang bahay.

Natatawang pag-aalala ng aming impormante, “Kaya lang, tuwing dumadalaw naman siya sa house ng girl, e, may nangyayari! Hindi niya alam kung sino ang gumagawa, pero puro gasgas ang car niya!

“Kalat-kalat na gasgas ‘yun, hindi siya umuuwing walang gasgas ang kotse niya! at ang nakakaloka pa, minsan, e, pina-flat pa ang gulong ng sasakyan niya!

“Naging malaking palaisipan para sa male personality ang ganu’n, bakit may gumagasgas sa kotse niya, bakit may nagpapakawala ng hangin sa gulong ng sasakyan niya?

“Meron nang idea ang male personality, pero ayaw niya namang sabihin ‘yun sa nililigawan niya, mahirap na nga naman, baka hindi lang siya maintindihan!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nu’ng maging magkarelasyon na sila, may nagbulong sa male personality kung sino ang utak sa panggagasgas ng sasakyan niya, nawindang ang lalaking personalidad.

Pagtatapos ng aming source, “Alam na this! Sino pa nga ba ang gagawa nu’n, kundi ang taong kontrang-kontra sa kanya para sa girl? Magkapareho ba ang hula natin?”

John Lloyd nagso-shooting sa Sorsogon

Nandito na ang matagal na pinakahihintay hindi lang ng mga tagahanga ni John Lloyd Cruz kundi pati ng ating mga kababayan. Mula sa nabigo nilang relasyon ni Ellen Adarna ay nauntog din sa katotohanan ang magaling na aktor na kailangan na niyang bumalik sa harap ng mga camera.

Nasa Sorsogon na ngayon si JLC kasama ang iba pang mga artistang makakasama niya para sa pelikulang “Servando Magdamag” na si Ricky Lee ang sumulat ng istorya sa pamamahala ni Direk Lav Diaz.

Matindi ang pundasyon ng proyektong sisimulan na ni John Lloyd, na dapat lang naman, dahil mahigit na dalawang taon siyang lumiban sa trabaho.

Mula nang maging magkarelasyon sila ni Ellen Adarna ay namahinga na sa pag-arte ang magaling na aktor. Ang relasyon nila ng sexy star ang kanyang naging prayoridad.

Walang maririnig na anumang pagsisisi mula kay John Lloyd dahil naging maligaya siya nu’ng mga panahong ‘yun at nagbunga pa ng isang Elias Modesto na napakagandang regalo sa kanya ng langit.

Tanong ng isang kausap namin, wala raw kayang maging pagbabago ang pag-arte ni JLC, hindi raw kinalawang na ang kanyang talento sa tagal ng panahong hindi siya humarap sa mga camera?

Walang-wala. Napakanatural ng pagganap ni John Lloyd, hininog na siya ng panahon, sa kanyang henerasyon ay siya ang kinikilalang pinakamahusay na aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.