Abante Tonite Interactive

Male personality puro sign ng kabaklaan ang pinaggagawa

682

Cristy Fermin

Sports-minded ang isang kilalang male personality. Wala siyang pinipiling laro, nanonood siya ng basketball, badminton, swimming at iba pang mga laro.

Nu’ng bagets pa kasi siya ay palagi siyang kinatawan ng kanilang eskuwelahan sa isang event. Nananalo naman siya, pero may mga labanang hindi rin siya pumupuwesto, kilalang-kilala sa kanilang school ang male personality.

Kuwento ng aming source, “Palagi kasi siyang nanonood ng competition sa college at high school level. Nakakahanap siya ng time para du’n kahit pa sinasabi niyang very busy siya.

“Kasi nga raw, nu’ng nasa high school pa siya, e, palagi siyang ipinadadala ng school nila sa mga cometition. Hanggang ngayon, dala-dala niya ‘yun!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Pero siyempre’y may mga nag-iisip ng iba tungkol sa male perso-nality. Palagi kasing kinukuwestiyon ang kanyang gender.

Patuloy ng aming source, “Mismo! May mga nagsasabi na kaya raw siya madalas na nanonood ng mga school competition, e, dahil naghahanap siya ng matataypan niya!

“Kasi nga, di ba, kahit anong pagde-deny ang gagawin niya, e, wala namang naniniwala sa kanya! Nakikipag-away nga siya sa social media, e!

“Sa harap na yata ng gadget niya nakatira ang taong ‘yun! Lahat na lang, e, pinapatulan niya, sawsaw siya nang sawsaw sa iba-ibang issue, kahit napakalayo naman sa bituka niya ang topic!

“Kaya tuloy lalo siyang napagdududahan, e! Hindi raw siya becki, kaso, ang mga pinaggagagawa niya naman, e, puro signs ng kabekihan!

“Bakit kasi hindi pa siya umamin, sumuko na siya, hindi naman siya ikukulong!” madiing pagtatapos ng aming source.

Walang lamay na naganap
kay Alden

Napakasuwerte ni Alden Richards. Sa isang panahon na sumisinghap-singhap na ang hininga at gumagamit na lang ng life support system ang kanilang tambalan ni Maine Mendoza ay saka naman ipinanganak ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo.

Tama ang t­iyempo. Masustansiya ang kanilang tambalan. Napapanahon ang kuwentong pang-OFW ng kanilang proyekto.

Nu’ng ipalabas ang teaser ng kanilang pelikula ay naging abala ang aming telepono sa mga positibong komento. Kinikilig ang mga tagasuporta nina Alden at Kathryn.

Kahit ang mga kaibigan naming may edad na ay nangangakong sa unang araw pa lang ng pagpapalabas ng “Hello, Love, Goodbye” ay maaasahan na ang kanilang suporta sa mga sinehan.

Nasilip na namin ang trailer ng pelikula. Bagay na bagay kay Alden ang bago niyang haircut. May nagmukha siyang bagets kumpara nu’n na parang true-to-life story ng isang bayani ang kanyang da-tingan.

Siguradong blockbus-ter na naman ang pelikulang ito hindi lang dahil sina Alden at Kathryn ang bida kundi panonoorin ito ng mga kababayan nating naging OFW dahil sila ang sentro ng kuwento.

Magaling umarte si Alden, bigay na bigay rin ang hindi nakasosorpresang pagganap ni Kathryn na best actress awardee na, pala-mura man ang kanilang direktor ay palagi namang panalo sa takilya ang mga pelikula ni Cathy Garcia-Molina.

Isang malaking alarma ito sa mga tagahanga ni Maine Mendoza na nagsabing kapag nawala si Menggay ay pagla-lamayan na ang career ni Alden Richards.

Sorry na lang sa kanila na sobrang minemenos ang tale-nto at kakayahan ng Pambansang Bae, walang lamay na magaganap, dahil mas marami pang oportunidad ang nakaabang para kay Alden Richards kahit wala si Maine Mendoza.