Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality sawsawero ng bayan

0 310

“Sawsaw lang nang sawsaw basta may time!” Inuulan ng ganu’ng patutsada ang isang male personality dahil sa walang sawa niyang pakikisawsaw sa mga isyung hindi naman siya kung tutuusin idinadamay.

Pakiramdam ng mas nakararami ay masayang-masaya siya sa kanyang mga ginagawa ngayon kesehodang pinagtatawanan lang siya ng mga nakakakita ng kanyang posts.

Umpisang kuwento ng napapailing naming source, “Naku, enjoy na enjoy si mokong sa pakikisawsaw! Ito na nga naman ang panahon para siya mapag-usapan! Wala naman kasing kuwentang pag-usapan ang male personality na ‘yun dahil wala pa naman siyang napapatunayan!

“Meron na ba naman siyang maipagmamalaki? Ang tagal niya nang nag-aartista, e, wala pa naman siyang nagagawang markado sa career niya?” natatawang komento ng aming impormante.

Ayon sa mga bashers ng male personality ay isa lang naman ang kanyang matatawag na claim to fame, isang-isa lang, ang madikit ang kanyang pangalan sa isang pamosong female personality na kontrobersiyal ngayon.

Patuloy ng aming source, “Wala siyang karapatang mainis kapag pinagbibintangan siya at tinatawag na sawsawero! E, ano nga ba naman kasi ang mga pinaggagagawa niya?

“Di ba naman pagiging sawsawero talaga ang pagdidikit sa name niya sa kontrobersiyang sampiyad lang naman siya kung tutuusin?

“Ikinatutuwa niya ‘yun, masayang-masaya siya kapag may bagong isyung lumalabas, may panahon na naman kasi siya para makihalo, para makisawsaw, type na type niya talaga ang ganyan!

“Bakit nga naman, e, nagkakaroon siya ng free publicity! Kesehodang negang-nega ang dating niya, e, ayos pa rin ‘yun para sa kanya, it’s still publicity!

“Abalang-abala siya ngayon sa pakikisawsaw! Isip siya nang isip ng paraan kung saan siya puwedeng sumingit! Kasi nga naman, e, ngayon lang puwedeng mangyari ang ganyan!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kapag lumamig na ang issue, waley na rin siya, di ba naman? Kaya habang mainit pang pinag-uusapan ang issue, go lang siya nang go!

“Nakakaloka ang male personality na ‘yun! Sawsaw lang siya nang sawsaw habang may time! Isa siyang sawsawero ng bayan!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Sey n’yo JuRald?: Dominic nagpulupot ng sawa

Kung nakamamatay lang ang mga salita ay kambal na lamayan na ang siguradong magaganap. May mga kakampi rin naman sina Gerald Anderson at Julia Barretto pero mas malaking di hamak ang bilang ng mga kumokontra sa kanila.

Madali namang tanggapin ang pagmamahalan ng isang lalaki at isang babae, napakanormal na kaganapan lang naman ang ganu’n, artista man o hindi ang sangkot sa relasyon.

Ibang-iba lang ang senaryong kinapapalooban nina Gerald at Julia dahil sa pakiramdam ng publiko ay meron silang sinaktan at sinagasaan para sa personal nilang kaligayahan.

Nand’yan si Bea Alonzo na hindi na nga masyadong nagsasalita, kontrolado pa nga ang kanyang saloobin, idinadaan na lang ng aktres ang kanyang sama ng loob sa mga makasaysayang quotations na patagilid lang ang datingan pero matalim na punyal ang katumbas bilang patama sa magkarelasyong nanakit sa kanya.

Hanggang hindi nililinaw ni Gerald Anderson ang totoong kuwento ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo ay mananatiling ahas at manunulot si Julia Barretto sa pananaw ng publiko.

Hindi puwede ang mga palusot na dahilan, aktuwal na paliwanag ang hinihintay ng bayan, para matigil na ang pag-aakusa sa kanila ni Julia Barretto na pareho lang silang manloloko at sinungaling.

Prenteng-prente lang na nakaupo sa trono ngayon si Bea Alonzo, mas umeeksena pa nga ang sinasabing karelasyon nitong si Dominic Roque na nagpulupot pa ng sawa sa kanyang leeg, habang nakikipaggiyera naman ng salitaan sina Gerald at Julia sa kanilang mga kalaban sa social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.