Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ‘sinasakal’ ng dyowang beki

0 160

May mga dating kaibigan pala ang isang male personality na naninibago sa kanyang mga galawan ngayon. Sinuwerte ang lalaking personalidad sa isang panahong hindi niya inaasahan.

Parang malinaw na biyaya mula sa langit na bumagsak sa kanya ang pagkakataong mapasama sa isang programa. Kalaunan ay naging karelasyon na niya ang naglilider-lideran sa show.

Kuwento ng aming source, “Ang buhay nga naman, parang gulong na umiikot. ‘Yong male personality na ‘yon, e, madalas manghiram ng datung sa mga kaibigan niya dahil wala siyang pamasahe papunta sa sasalihan niyang male concert!

“Pati mga damit, pantalon at shoes, hinihiram din niya sa mga friends niya, ganu’n kahirap ang buhay niya nu’n,” unang hirit ng aming impormante.

Pero biglang nagbago ang kanyang buhay nang maging karelasyon na niya ang isang sikat na personalidad. Lahat ng granatsa sa buhay ay meron na siya, spoiled siya sa karelasyon niyang becki, wala na siyang hahanapin pa.

Patuloy ng aming source, “Kasabay na ring nagbago ang mundo ng male personality. Hindi na siya sumasama sa mga kaibigang dapat niyang tanawan ng utang na loob.

“Inimbitahan siya nu’ng minsan na magninong sa anak ng isang friend niya, tumanggi siya, useless lang daw dahil hindi naman siya makararating, sobrang busy raw niya. Wala siyang time.

“Bihirang-bihira na rin siyang umuuwi sa lugar nila, parang ayaw na niyang mag-stay sa place na mainit, maalikabok at promdi talaga ang dating.

“Pero ibinuking siya ng isang kamag-anak niya, kaya pala hindi siya nakauuwi, e, dahil ayaw ng becking karelasyon niya! Sobrang seloso pala ‘yon!

“Ang family na lang daw niya ang kailangang magpunta sa kanila, hindi na siya ang uuwi, matindi siguro ang takot ng becki na baka sa kung saan magpunta ang dyowa niya!

“Buhay-mayaman man ngayon ang male personality, e, hindi naman pala siya malaya, hawak pala siya sa leeg ng becki, maligaya kaya ang male personality sa maayos na buhay na meron siya ngayon?

SM food to go Banner Ad

“Mismong ang gay personality na ang nagsasabi, nakakaawa naman ang mga taong naghihirap sa buhay, sa patalim kumakapit! At ang lalaking nagigipit, sa becki kumakapit! Ganern!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Melai palpak sa walang magnanakaw

Pinaglaruan sa isang YouTube vlog si Melai Cantiveros. Maraming before and after niyang larawan muna ang halinhinang ipinakita. Napakalaki nga naman ng pagbabago ng kanyang itsura.

Pero ang talagang sinentruhan ng vlog ay ang pag-akyat niya sa entablado de kampanya ng Kakampink. ‘Yong paulit-ulit niyang pagsigaw tungkol sa magnanakaw.

Ayaw raw niya sa magnanakaw. Hindi raw dapat iboto ang magnanakaw. Minsan kunong magnakaw ay ganu’n pa rin ang gagawin ng kandidato sa susunod.

Ayaw raw ng kanilang tropa sa magnanakaw, wala raw magnanakaw sa kanilang hanay, hindi raw dapat tularan ang mga magnanakaw!

Heto na. habang nagtutungayaw si Melai tungkol sa magnanakaw ay may isiningit silang police report. Eksaktong pareho ang oras ng pagsigaw-sigaw ni Melai at ng police report dahil ipinakita ang oras ng dalawang senaryo.

Sabi ng isang miron sa vlog, “Ayan, oh! Habang sige sa kasisigaw si Melai sa stage na huwag daw suportahan ang magnanakaw at wala raw magnanakaw sa kanilang tropa, e, ang dami-dami namang nagre-report sa mga pulis na ninakawan daw sila!

“Mga nawalan ng cellphone, may nawalan ng wallet, maraming nadukutan sa rally ng mga Kakampink! Nagpanggap palang Kakampink din ang mga madurukot! Naka-pink t-shirt din sila habang nagnanakaw!

“Ano ngayon ang isinisigaw ni Melai na walang magnanakaw sa kanilang tropa, e, ayun mismo, maraming ninakawan sa rally nila!” saka sabay-sabay na naghalakhakan ang mga miron sa vlog.

Nakakaloka ang eleksiyon ngayong 2022, walang maitatago dahil sa tindi at lawak ng kapangyarihan ng social media, buking na buking ang lahat ng ngaganap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.