Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality sinira ng bisyo

0 178

Dahil sa bisyo ay bumaligtad ang karera ng isang kilalang male personality. Wala siyang pinipiling papel nu’ng kasagsagan ng kanyang karera, para siyang kangkong na kahit saan itapon ay siguradong tutubo, ganu’n siya kagaling umarte.

Pero dahil sa bisyo ay biglang nagbago ang takbo ng kanyang karera, napag-iwanan siya ng kanyang mga kakontemporaryo, hanggang sa biglang nawala na siya sa gitna ng aksiyon.

Natatandaan pa ng aming source na matagal nakasama ng nagbisyong male personality, “Dati, hangang-hanga ako sa kanya dahil masinop siya sa buhay. Ang tirahan niya, napakalinis, siya ang personal na nag-aalaga sa bahay niya.

“Kahit busy siya sa trabaho, meron siyang time sa lahat ng bagay, naba-balance niya ang time niya,” sabi ng aming impormante.

Hanggang sa napabarkada ang magaling na aktor sa mga taong walang pangarap sa buhay, bisyo lang ang inaatupag, hindi niya ‘yun napaglabanan kaya nagbisyo na rin siya.

Balik-kuwento ng aming source, “Wala na, napabayaan na niya ang sarili niya, ang career niya, ang lahat-lahat. Nu’ng dalawin ko siya sa bahay niya dahil matagal na siyang hindi nagpapakita sa tropa namin, nagulat ako!

“Napakarumi ng house niya, napakaraming kalat! Parang du’n sila nagkikita-kita ng mga ka-jamming niya. Hindi rin maganda ang amoy ng paligid!

“Hanggang sa napabayaan na niya ang career niya, hirap na siyang mag-deliver ng lines, nabubulol na siya. Sayang na sayang siya dahil puwede siya sa action, puwede rin siya sa drama, bibihira ang artistang katulad niya.

“Nu’ng nag-taping siya nu’ng minsan, e, nakita siya ng mga katrabaho niya na salita nang salita nang wala namang kausap! Nagmo-monologue siya, sinira talaga siya ng bisyo!

“Napakagandang opportunity ang pinalampas niya, napakabenta na niyang artista, pero sinayang pa niya. Sana, kapag nakabawi na siya, e, bumalik ang dating acting niya.

SM food to go Banner Ad

“Sana, makabalik pa talaga siya, sayang ang artistang tulad niya,” sinsero pang kuwento ng aming impormante.

Jen-Xian naudlot ang partner

Si Jennylyn Mercado ang itinuturong popular at magaling na aktres na nagdadalantao sa kasalukuyan. Nag-ugat ang kuwento sa set ng seryeng pinagtatambalan nila ni Xian Lim.

Nagkaroon ng komosyon sa set nang dumating ang isang ambulansiya. Akala ng mga production staff ay may nagpositibo sa COVID-19 pero wala pala.

Si Jennylyn ang kinuha ng ambulansiya dahil kailangan siyang isugod sa ospital, nagkaroon siya ng spsotting, na kumumpirma sa kanyang pagdadalantao.

Pinalitan na siya bilang leading lady ni Xian Lim, pinayuhan si Jennylyn ng kanyang OB-Gyne na sumailalim sa bed rest, bawal siyang magtrabaho nang mabaha-habang panahon.

Magandang balita ito para sa mga tagahanga ni Jennylyn. Anim na taon na silang magkarelasyon ni Dennis Trillo, pagpapakasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon, pero mukhang nagpaplano na rin silang humarap sa altar.

Malaki na ang anak nila ni Patrick Garcia na itinuturing na ring sariling anak ni Dennis, panahon na para magbuo sila ng pamilya, kaya ang pagdadalantao ni Jennylyn ay isang positibong balita para sa kanyang mga tagasuporta.

Laging malaking biyaya ang sanggol para sa mga nagmamahalan, responsableng karelasyon si Dennis, kaya siguradong magiging mabuti at responsible rin itong ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.