Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality sinisiraan pa rin ng partner

0 87

Pagkatapos mabuking ang totoong intensiyon ng dating ka-live-in ng isang kilalang male personality ay hindi pa rin pala ito tumitigil.

Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin nito ang ama ng kanyang anak, sinisiraan pa nito sa kanilang mga kaibigan ang male personality, walang pagkasawa ang babae.

Kuwento ng isang source, “Patung-patong na kasinungalingan na nga ang inilabas niya, buking na buking na kung ano talaga ang intensiyon niya, hanggang ngayon ba naman, e, hindi pa rin siya tumitigil?

“Napahiya na siya sa buong mundo, binaligtad niya ang istorya, pero hindi naman siya nakalusot! Sa bandang huli, e, sa kanya bumalandra ang mga kalokahang pinaggagawa niya!

“Nagising sa katotohanan ‘yung taong nilapitan niya na handa na sana silang tulungan ng anak at pamilya niya! Pera na, e, naging bato pa!” unang pasada ng kuwento ng aming impormante.

Sa halip na magbago dahil nabuking na nga ang mga gusto nitong mangyari ay wala pa rin, patuloy pa rin sa pakikipagbarkada ang girl, wala itong kadala-dala.

“Natural, bukelya na siya, di ba? Sino pa ang tutulong sa kanya? Para mapaghigantihan niya ang male personality, e, sinisiraan niya na lang sa mga common friends nila!

“Marami siyang imbentong kuwento na kesyo lihim daw na nakipag-usap ang male personality sa taong hiningan niya ng tulong para baligtarin ang kuwento! Siya raw tuloy ang napasama, siya raw ang napahiya!

“Sino ba ang lukring? Napakayabang niya nu’ng una, handa raw siya anytime na dumaan sa drug test, pero nu’ng uumpisahan na ‘yun, e, bigla siyang umurong!

“Sino ngayon ang nakakahiya? Sino ang sisisihin niya? Siya mismo ang nagpahamak sa sarili niya! Buti nga, walang pumapatol sa mga kuwento niya ng paninira.

“Aling Pacing, bulok na ang saging!” nakairap na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Angelica pinauuwi na ang bagong lalaki

Non-showbiz ang napapabalitang bagong nagbibigay ng inspirasyon ngayon kay Angelica Panganiban. Isang negosyante ito na may mataas na posisyon sa isang pangyayamaning industriya.

Gregg Homan ang pangalan ng lalaking nagpapaganda raw ng bawat gising ngayon ng magandang aktres. Isang simpleng mensahe lang sa social media ang naging susi kung bakit nalantad ang kanilang pagkakamabutihan.

Pinauuwi na ni Angelica ang lalaki na sumagot naman ng ilang araw pa at uuwi na ito. Ganu’n lang at marami nang naging masaya para sa magaling na aktres.

Totoo ang mga komento na panahon na para makakita ng lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya si Angelica. Mahaba na ang ibinibiyahe ng kanyang buhay na wala siyang karelasyon.

At tama, mas makabubuti nga sigurong hindi artista ang maging karelasyon niya, mas magiging tahimik kung pribadong lalaki ang pipiliin ni Angelica sa pagkakataong ito.

Ilang beses na siyang sumubok sa puro artista, pero palagi siyang bigo, baka sakaling sa isang hindi artista niya makita ang matagal na niyang hinahanap na kaligayahan.

Isisingit lang namin ang eksena nila ni Paulo Avelino sa “Walang Hanggang Paalam” na napakaepektibo. Isang madramang eksena ‘yun nang makita nila ang senyal na pinatay ang kanilang anak.

Digmaan ng luha ang tagpo, napakanatural ng kanilang pagganap, tumatawid sa manonood ang napakahusay nilang pag-arte na parang wala sila sa harap ng mga camera.

Magagaleng!

Leave A Reply

Your email address will not be published.