Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality sisibakin ang show

0 534

Matinding nerbiyos ang inaabot ngayon ng magkakasamang hosts ng isang programa.

Nag-aalala sila, sobrang kinakabahan, dahil nakaabot na sa kanila ang balita na nabibilang na ang mga araw nila sa himpapawid.

Napakahirap pa naman ng buhay ngayon, maraming wala pa ring trabaho, kaya paano na sila kapag tuluyan nang bumaba ang kurtina ng kanilang show?
Kuwento ng aming source, “Nakakakaba naman talaga ang kuwentong nakaabot sa kanila. Napakahirap nga naman ng buhay ngayon, kaya paano kung ‘yung kaisa-isahang inaasahan nila, e, mawawala pa?

“May mga pamilya sila, maraming bibig ang umaasa sa kanila, kaya paano na? Kasi naman,” biting unang kuwento ng aming impormante.

Maraming istoryang kumakalat tungkol sa programa. Kinakapos sa disiplina ang ibang hosts ng show. Nagpa-power trip, feeling-sikat na sikat, nag-aastang akala mo na kung sino.

Balik-chika ng aming source, “E, natatakot pala silang mawala ang show, bakit hindi sila umayos? Lalo na ‘yong isang male host du’n na nambu-bully ng kanyang mga kasamahan, nadadamay tuloy sa kaangasan niya ang ibang hosts?

“Biglang umangas ang male host na ‘yon! Kinakayan-kayanan niya ang mga katrabaho niya! Porke ba sipsip siya sa producer, e, ganu’n na lang kung makapagyabang siya?

“Kahit gaano pa siya ka-close sa producer, kung talagang panahon na para isarado ang show, e, wala na rin naman siyang magagawa!

“Huwag kasi siyang nagmamayabang na para bang kaya na niyang i-host ang show nang mag-isa lang siya! Hindi na lang kumikibo ang mga co-hosts niya, pero ang dami-daming inis sa male host na ‘yon!” madiing sabi uli ng aming source.

Biglang lumutang ang kuwento na malapit nang mawala ang nasabing show, magiging sobrang abala na raw kasi ang kanilang producer, bukod pa sa sobrang laki na ng puhunan na halos wala namang balik.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Panghuling komento ng aming impormante, “Naku, paano na kapag natsugi ang show? Parang ngayon pa lang, e, naririnig na namin ang malakas na halakhak ng isang TV host na matagal nang iritado sa male host na ‘yon at sa isa pang nandu’n na feeling powerful din!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Barbie todo bantay kay Diego

Matulis ang dila ni Barbie Imperial. Kung makapagsalita siya laban kay AJ Raval ay parang siya ang nagpapakain du’n sa tao.

Ganu’n din ang mga salitang ikinukulapol kay Barbie sa social media. Parang siguradong-sigurado na raw siyang sila ang magkakatuluyan ni Diego Loyzaga.

Sabi ng daldakinang si Barbie, “Gusto mong maging kabit, e, ayaw nga sa iyo ng boyfriend ko?” Ang taray! Patutsada niya ‘yon kay AJ Raval na siguro ay kinaiinsekyuran niya ngayon.

Kunsabagay ay hindi na bago ang kaledad ng pagsasalita ni Barbie. Nu’ng sila pa ang magkarelasyon ni Paul Salas ay bumida rin siya sa kanyang mga kuwento ng diumano’y pananakit nang pisikal sa kanya ng aktor.

Hindi na lang kumibo nu’n ang pamilya ni Paul pero siguro’y gusto rin ng mga itong lamukusin ang bibig ni Barbie sa paninira sa kanyang ex.

Bantay-sarado niya ngayon si Diego, para bang meron na silang sumpaan na anuman ang mangyari ay sila talaga ang haharap sa altar, kaya ayaw niyang nauugnay ang aktor kahit kanino.

Alam kaya ni Diego na si Barbie ang dating naba-blind item na madalas magpunta sa bahay ng isang pamosong male personality na naging kontrobersiyal dahil sa dalawang aktres na sabay na naugnay sa buhay nito?

Sana ay magkaroon ng proyekto si Barbie para hindi puro pagbabantay lang kay Diego ang kanyang inaatupag. Kapag may pinagkakaabalahang iba ang tao ay nalilibang ang kanyang utak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.