Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality sumpungin

0 129

Siguro nga ay ang kakulangan ng tulog at pahinga ang dahilan kung bakit palaging may sumpong ang isang pamosong male personality na magaling umarte.

Siguro nga ay nagmamakaawa na ng pahinga ang kanyang katawan kaya maraming pagkakataon na may kumakausap sa kanya pero parang wala siya sa kanyang sarili.

Kuwento ng aming source, “Ang isa pang ugali ng male personality na ‘yun, e, ang pagiging mainipin niya. Wala siyang tiyagang maghintay, palagi siyang nakikipaghabulan sa oras.

“Buryungin din siya, mabilis siyang mainis, ‘yun ang ugali niyang alam na alam ng mga nakakatrabaho niya,” unang paandar ng aming impormante.

Dahil sunud-sunod nu’n ang trabaho ng kilalang male personality ay natural lang na kulang na kulang siya sa tulog at pahinga. Wala na siyang panahon para sa kanyang sarili.

“Bukod kasi sa principal photography ng mga pelikula niya, e, sumisingit pa ang mga shows sa probinsiya, nandu’n pa ang mga promo, kaya talagang maramot sa kanya ang tulog at pahinga.

“Kaya madalas siyang nabuburyong, sinusumpong siya, nagkakaroon siya ng mood swings. May mga kumakausap sa kanya, pero parang malayo ang biyahe ng isip niya!

“Mabait naman siya pero dahil nga sa kakapusan niya ng tulog, wala siyang pahinga, kaya nagkakaganu’n siya! Kabisado na ng girlfriend niya ang male personality kapag walang sapat na tulog.

“Hindi na niya inaasahang maglambing ang male personality, pinababayaan lang muna niyang magpahinga, hindi muna niya iniistorbo! Kapag okey na kasi ang boyfriend niya, e, wala nang problema.

“Siya na mismo ang tumatawag sa girl, telebebad na sila, kaya talagang pahinga lang ang kailangan ng guy,” kuwento uli ng aming source.

Marami nang nag-aabang sa pagbabalik ng aktor, bibihira lang kasi ang katulad niya na sikat na, guwapo pa at magaling umarte.

Pahabol ng aming source, “May sapat na pahinga at tulog na siya, napakahabang panahon ang lumipas na wala siyang trabaho, kaya siguradong hindi siya susumpungin at mabuburyong sa pagbabalik niya.”

Alex, Toni ligwak kay Manay Lolit

Pinanindigan ni Manay Lolit Solis ang kanyang sinabi na hinding-hindi na niya susulatin ang sinuman sa pamilya Gonzaga.

Anumang may kinalaman kina Toni at Alex ay hindi na niya bibigyan ng espasyo sa kanyang IG at mga kolum.

Sumama ang loob ng kolumnista-host-manager sa sarkastikong pahayag ng asawa ni Alex na si Konsehal Mikee Morada na huwag siyang gumagawa-gawa ng mga kuwento lalo na kung hindi niya naman alam ang tunay na pangyayari.

Pero napakatamis na bendikasyon ang natanggap ni Manay Lolit nang ipahayag na ni Alex ang naganap sa kanyang miscarriage. Saktung-sakto ‘yun sa kanyang ipinost at sinulat, walang pagkakaiba, kaya ayaw na niyang magsalita pa.

Nu’ng nakaraang Martes, sa Take It, Per Minute… Me Gano’n ay hinihintay ng publiko kung ano ang opisyal na pahayag ni Manay Lolit, pero deadma lang ang kolumnista. Wala siyang sinabing anuman, kami lang ni Mr. Fu ang nagsalita tungkol sa isyu, nakikinig lang siya.

Nakakalungkot ang ganitong senaryo. Pabawas nang pabawas ang mga kolumnistang hindi na nagsusulat tungkol sa magkapatid na Gonzaga. Balat-sibuyas kasi ang pamilya, konting kibot lang ay meron na agad silang negatibong reaksiyon, tulad ng ginawa ng konsehal na asawa ni Alex.

Magkatuwang ang trabaho ng mga artista at manunulat, kailangan nila ang isa’t isa, pero mukhang nakakalimutan ng mga Gonzaga ang mundong pinasok ng magkapatid.

Pampublikong pigura sila. Natural lang na may mga pumupuri, pumapansin at kumukuwestiyon sa mga isyung kinapapalooban nila.

Kailangang tanggapin ng magkapatid na ito ang presyong kailangan nilang pagbayaran sa pagiging kilalang personalidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.