Abante Tonite Interactive

Male personality tagapulot ng mga pinaghubaran ng misis

1,116

ISANG kasamahan sa industriya ang nakatumbok nang isandaang porsiyento sa blind item namin nu’ng isang araw tungkol sa dating mag-asawang personalidad na hindi nag-aaway sa harap ng kanilang mga anak.

Pung na pung ang kanyang hula. At may mga idinagdag pa itong ibang impormasyon tungkol sa nagiging ugat ng argumento ng dating mag-asawa.

Kuwento ng aming kausap, “Simple lang ang nagiging reason kung bakit sila nagtatalo. Lumaki kasing hindi naman nagtatrabaho sa bahay nila ang girl, di ba? Baka nga kahit ang underwear niya, e, hindi siya nakaranas na maglaba!

“E, ‘yung guy, sanay magtrabaho, alam niya lahat, dahil lumaki siya sa ibang bansa. May pagka-obsessive-compulsive pa nga ‘yung male personality, e.

“Kailangang nasa ayos ang lahat. Paalis na lang siya, pero kapag nakita niyang nakatagilid ang frame, babalikan niya pa ‘yun, ididiretso niya ang ayos!

“Ganu’n siya ka-organized, ayaw niya sa mga kalat, kaya sila nag-aaway ng wife niya. ‘Yun naman kasing girl, kapag naghubad ng damit niya pagdating sa hahay, e, walang pakialam!

“Para lang siyang snake na naghuhunos, iniiwanan lang niya basta sa floor ang pinagbihisan niya! So, palaging nakasunod sa kanya ‘yung mister niya, siya ang tagapulot ng mga pinaghubaran ng misis niya!

“Palaging ganu’n ang ginagawa ng girl, wala siyang alam na trabaho, palibhasa, lumaki siyang spoiled!” humahalakhak na unang kuwento ng aming impormante.

Pero iba naman siyempre ang episode ng kanilang mga away na dahil sa pagkabuking ng female personality tungkol sa pagkakaroon ng ibang karelasyon ng kanyang mister.

Pagtatapos ng aming source, “That’s a different story. Kailangan ng talaga nilang mag-away sa kotse habang nag-iikot sila sa village nila!

“‘Yun na ‘yun!” humahalakhak pa ring reaksiyon ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sharon reresbak kay Gabby

ASAHAN na ang panibagong kilometrikong post ni Sharon Cuneta sa mga darating na araw dahil sa mga inilalabas na posts ni Gabby Concepcion.

Makahulugan ang mga mensahe ng ama ni KC, na maaasahan din naman, dahil sino pa nga ba ang makauunawa sa posisyon ngayon ng dalaga kundi ang kanyang sariling ama?

Sabi nga ng mga nakakausap namin ay siguradong babalik ang pagkahaba-habang panahon si Sharon kapag nagkataon. Mauungkat na naman ang kanilang hiwalayan, ang mga dahilan kung bakti nagkani-kanya sila ng landas, at ang hindi pagbibigay ng sustento ni Gabo sa kanilang anak habang lumalaki ito.

Sa totoo lang ay si Sharon lang naman talaga ang bumalikat ng lahat-lahat ng mga pangangailangan ni KC mula nang makahiwalay sila ni Gabby.

Mag-isa lang na itinaguyod ng Megastar ang pag-aaral ni KC, ang mga personal na kailangan ng kanilang anak, walang naging partisipasyon ang aktor sa paglaki ng kanilang anak.

Kung matatandaan ay si KC pa nga ang naghanap sa kanyang ama, pinuntahan nito si Gabby sa Amerika, hindi agarang natanggap ni Sharon ang senaryo pero nu’ng bandang huli ay inunawa na rin niya si KC dahil sa linya nitong “I am complete now.”

May punto rin naman si Gabby na hindi dapat ipinahihiya ni Sharon ang kanilang anak on national television. Suporta at pag-intindi ang kailangan ni KC at hindi panglalaglag ng kanyang sariling ina.

Maraming netizens din ang nagkomento na sana’y personal na lang nilang pinag-usapan ang kanilang problema at hindi ganu’n na may parinig pa ang Megastar na hindi mabuting anak at kapatid ang kanyang panganay.

Bibiyahe pa nang malayo ang isyung ito dahil nakatagpo ng kakampi si KC sa kanyang ama. May naghihintay rin ng reaksiyon nina Senador Tito Sotto at Tita Helen Gamboa dahil sa kanilang bahay nagdiwang ng Pasko si KC at hindi sa bahay ng kanyang ina.