Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality tago ang relasyon sa politiko

0 91

Amoy na amoy na ang hanging-pulitika kahit saan. Preparado na ang pakikipagbanggaan ng mga tatakbong pulitiko, ngayon ay abalang-abala na ang kanilang mga makinarya, marami na ring kilalang personalidad ang umaambang makihalo sa mundo ng pulitika.

Marami na namang mga blind items na lulutang, parang showbiz din kasi ang mundo ng serbisyo-publiko, sangkatutak ang kuwento tungkol sa kanila.

Unang kuwento ng aming source, “Naaalala pa namin ang kuwento tungkol sa tagung-tagong relasyon ng isang kilalang pulitiko at ng isang guwapong male personality.

“Impernes, pareho silang guwapo, pareho ring galing sa kilalang pamilya, pinagtakahan nu’n ng marami ang sobrang closeness nila. Madalas kasi silang nakikitang magkasama.

“Pero naitatago nila nu’n ang kung anumang relasyon meron sila, kasi nga, may girlfriend ang male personality, kaya naililigaw nila ang mga usisero!” tandang-tanda pa ng aming impormante ang kuwento.

Malambot ang kilos ng pulitiko, dumadaplis din minsan ang paggalaw ng kanyang mga daliri, kaya maraming kumbinsidong nag-asawa lang siya para may pangkubli sa tunay niyang kasarian.

“Sayang, ang guwapo niya talaga, maraming girls ang nagkaka-type sa kanya, pero sorry na lang, dahil hindi bibingka ang type niya kundi hotdog,” agarang komento ng aming source.

May isang female personality namang nangarap na maging mayor sa kanilang bayan, pero mas mababang posisyon muna ang kanyang tinakbuhan, impluwensiya ‘yun sa kanya ng iba-ibang pulitikong naugnay sa kanyang pangalan.

“Ginawa niya ang lahat para matupad ang pangarap niyang maging mayor sa bayan nila, pero Lotlot & Friends ang nangyari sa kanya. Hanggang sa mababang posisyon lang siya nakalusot,” sabi ng aming impormante.

Meron ding kuwentong kumalat nu’n tungkol sa malaking-malaking halaga ng donasyon na hindi ipinasok ng isang kilalang pulitiko sa listahan ng mga donors nila ng kanyang partner sa partido.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng aming source, “Itinago ‘yun ng pulitiko nang matagal na panahon. Pero maraming nagulantang isang araw, nakabili siya ng isang daang-milyong property ang halaga.

“Saan nanggaling ang ipinambili niya ng property? Alam na this, ‘yun na ‘yun!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Sharon hindi laos

Isinasagad na ni Sharon Cuneta ang kanyang pagbabakasyon sa Amerika. Matatagalan na naman kasi bago siya makaalis uli, by appointment na naman daw ‘yun ayon sa Megastar, kaya ninanamnam na niya ang pagkakataon.

Marami siyang inaasikaso sa Amerika, may property siyang hinahanap para sa pag-aaral du’n nina Kakie at Miel, binibisita ni Sharon ang kanyang mga kaibigang dekada na niyang hindi nakikita.

Dito naman ay isinasagad din ng kanyang mga bashers ang pagkokomento nang negatibo, umalis lang daw ang Megastar dahil laos na siya, hindi raw niya matanggap ang kanyang sitwasyon.

‘Yun ang nagpapatunay na kahit wala dito si Sharon ay nakapang-aagaw pa rin siya ng atensiyon ng mga trolls at bashers na nangangahulugan lang na nasa gitna pa rin siya ng aksiyon. Sikat na sikat pa rin siya, malayo pa ang panahon ng paglamlam ng kanyang bituin, kung laos na ang Megastar ay hindi na dapat siya pinag-uusapan.

Pero napakaabala pa rin ng mga makinarya ng fake news tungkol sa kanyang personal na buhay, nandu’ng binugbog siya ng kanyang mister kaya nangibang-bansa siya, mga istoryang puro imbento lang at kasinungalingan.

Habang hinuhusgahan ng kanyang mga bashers si Sharon Cuneta bilang laos nang artista ay lalo lang nilang pinaiinit ang karera ng Megastar.

Pinagtatawanan na lang niya ang mga salitang ibinabato laban sa kanya, alam na alam niya kasi na ang poot at galit ay isang kulungan na nagpapahirap sa atin dahil sa kagagawan ng ibang tao, kaya deadma na lang siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.