Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality taksil sa dyowa

0 239

Kung totoo ang mga kumakalat na kuwento tungkol sa isang pamosong male personality ay siguradong dadagundong ang kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz.

Milyong tagasuporta nila ng kanyang karelasyon ang maaapektuhan, magkakaroon ng pambansang kalungkutan, paglalamayan ang istorya ng kanilang paghihiwalay kapag nagkataon.

Ang magkarelasyong ito ang sinesentruhan ngayon ng mga Maritess, ang grupong mas mahalaga para sa kanila ang pag-iimbestiga sa buhay ng mga artista, kesa sa kakainin nila sa hapag.

Ngayon ay umaandar na ang imbestigasyon, nakahanda na ang kanilang mga impormasyon, meron pang mga retrato ‘yun na magpapatibay sa kanilang tinatrabaho.

Siguradong panghihinayangan ng buong bayan ni Juan ang pagsabog ng kuwento, mag-iiyakan ang kanilang mga tagahanga, dahil matibay na ang pundasyon ng pagmamahalan ng kanilang mga iniidolo.

Kuwento ng isang source, “Matagal nang lumalabas ang kuwento na hindi tapat sa girlfriend niya ang male personality, pangharap ng mga camera lang kuno ang pagsasabi niya na mahal na mahal niya ang girl.

“Pero ang totoo, e, meron pa siyang pinagkakaabalahang ibang babae, mapusok at marupok kuno ang pamosong lalaking personalidad,” unang pagbubukas sa istorya ng aming impormante.

‘Yun kaya ang dahilan kung bakit nagkasira sila ng isang kaibigan niyang aktor? Maganda ang pagsasama nila nu’ng una, may grupo sila, pero bakit kumalas na ang male personality sa kanilang barkadahan?

Patuloy ng aming source, “Puwede! May mga kuwento na kasing lumalabas na may girl na involved sa pagkakasira nila. Ayaw lang magsalita nu’ng kaibigan niyang male personality dahil siguradong maba-bash siya!

“Kahit naman nu’n, e, napapabalita nang malikot sa aparato ang sikat na male personality, di ba? Nakarating na ‘yun sa girlfriend niya, pero ayaw namang maniwala ng girl! Hindi raw ‘yun magagawa ng boyfriend niya.

“Hintayin na lang natin ang resulta ng imbestigasyon ng mga Maritess, gumugulong na ang pagtutok nila sa issue na siguradong parang bombang sasabog na lang one day,” napapailing pang pagtatapos ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Raffy ‘di tatakbong VP

Mabentang-mabenta ngayon ang tinaguriang Pambansang Sumbungan Ng Bayan na si Raffy Tulfo sa usaping-pulitika. Iba-ibang bersiyon ng balita ang naglalabasan tungkol sa kanyang kandidatura.

Ang unang pumutok, na hindi niya naman kinumpirma, ay kasama siya sa listahan ng mga kakandidatong senador ng PDP-Laban.

Pero mas matindi ang sumunod na istorya, kinausap siya ni Senador Manny Pacquiao para maging running mate nito, si Pacman ang ulo at siya ang kakandidatong vice-president.

Hindi rin ‘yun kinumpirma ng matapang at walang inuurungan pero mapusong broadcaster. Nananatili lang siyang tahimik.

Ang sumunod ay lumutang naman ang balitang isa siya sa mga pambatong kandidato ng tambalang Ping Lacson-Tito Sotto.

Pero nitong huli ay sumabog naman ang kuwentong hindi kakandidatong VP si Raffy, pagiging senador ang haharapin niyang laban, pero wala siyang sasamahang partido.

Independent siya, walang kagrupo, na ayon sa kanyang mga tagasuporta ay pinakamagandang paraan para hindi siya hawak sa leeg ng anumang partido.

Nananatili pa ring tahimik ang napapanahong news anchor, wala siyang kinukumpirma, hintayin na lang daw natin ang kanyang desisyon sa araw ng pagsusumite ng COC.

Kung matutuloy ang kanyang pagsabak sa mundo ng pulitika ay tatlong programa niya sa TV5 ang iiwanan ni Raffy Tulfo.

Ang kanyang programang Wanted Sa Radyo sa OnePH at Radyo Singko, ang Idol In Action sa TV5 at OnePH at ang Frontline Pilipinas sa gabi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.