Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality talamak ang kamaldituhan

0 487

Minsan pang nagpairal ng kamaldituhan ang isang male personality sa kanyang mga katrabaho. Unti-unti nang natutuklasan ng produksiyon ang kasupladuhan ng lalaking personalidad na ito.

Nagtatanungan ang marami, ano raw ba ang pakiramdam ng male personality, sikat na sikat na siya? Na meron na siyang maipagmamalaki?

Ang dami-dami nang kuwentong lumalabas tungkol sa kanyang kamaldituhan. Meron sa airport, kung saan nu’ng may magpapa-picture sa kanya ay bigla na lang siyang nagtulug-tulugan, makaiwas lang.

Kuwento ng aming source, “Nature na niya ang pagiging maldito, hindi na nagkakataon lang ‘yun, talagang ‘yun na ang ugali niya. Nakakaloka ang male personality na ‘yun okrayera pa siya!

“Kapag may nakikita siyang hindi kagandahan sa paningin niya, e, ang bilis-bilis niyang mamintas, iparirinig pa niya ‘yun sa maraming tao!

“Ayaw nga sa kanya ng mga katrabaho niya, kasi, mahilig siyang manupalpal. Pa-know ang hitod na ‘yun! Para bang siya na ang pinakamagaling, ang palaging tama!” unang kuwento ng aming impormante.

Ang pinakahuling kuwento ay ang pagpapalutang niya ng kamaldituhan sa taping ng isang show na siya ang host. Puwede na rin naman siyang pakinabangang host, pero ang kanyang attitude, kumusta naman kaya?

Balik-kuwento ng aming source, “’Yun na nga! Heto na, nag-break na sila, pero sandali lang dapat ‘yun dahil naghahabol sila sa oras. Tinatawag na siya ng talent coordinator, naka-ready na kasi ang buong production para sa pagro-roll nila.

“Ay, ayaw pang lumabas sa dressing room ang malditong male personality, meron kasi siyang kausap sa phone, samantalang puwede niya namang sabihin sa kausap niya na magtatrabaho na siya.

“Sa inis ng TC, sinabi niya sa kanilang director na nasa dressing room pa rin siya. Simple lang ang ginawa ni direk, nagpakita lang siya sa male personality, walang kahit anong salita!

“Maya-maya, lumalabas na sa kuweba niya ang male personality, handa nang magtrabaho, napahiya siya sa ginawa ni direk! Meron na ba siyang nagawang project na nagmarka siya?

SM food to go Banner Ad

“Kaya lang naman sya napag-uusapan, e, dahil sa girlfriend niyang sikat na female personality na kabaligtaran niya ang ugali, di ba naman? Maldito!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Sharon todo ang ayuda kay Fanny

Masayang-masaya si Sharon Cuneta dahil nakalabas na sa ospital ang mahal niyang make-up artist na si Fanny Serrano. Totoo ang komento ng Megastar, palaging may milagro, Marso nang atakihin sa puso si TF.

Kung anu-ano nang kuwento ang lumabas nu’n, nand’yang patayin na ang kilalang salon owner, nand’yang lumabas ang istoryang makina na lang ang bumubuhay sa kanya.

Maraming tumulong kay TF para mairaos ang bayarin sa ospital, may mga pulitiko ring tumulong sa kanya, pero hindi natin maitatangging si Sharon Cuneta ang may pinakamalaking partisipasyon sa pagkakasakit ng mahal niyang make-up artist.

Minsan ay may lumabas na blind item na ‘yung female personality raw na inaasahang tutulong nang malaki kay TF ay nagpadala lang ng hindi naman kalakihang halaga. Natural, si Sharon agad ang pumasok sa isip nu’n ng mas nakararami, pero kabaligtaran ang kuwentong lumabas.

Sabi ng aming soure, “Pang-ilang pagpapaospital na ba ito ni TF? Si Sharon ang sumagot sa mga nakaraan niyang hospital bill. Saka talagang napakalaki na ng tulong na naibigay niya kay TF.

“’Yung lote niya sa Scout Rallos na puwede niyang ibenta na dahil maraming interesado, e, hindi niya ginawa. Ipinagamit ni Sharon ang lote para pagtayuan ng parlor ni TF.

“Sa totoo lang, hindi na masusukat ang tulong na ibinibigay ni Sharon kay Tita Fanny, ganu’n siyang magmahal at tumanaw ng utang na loob,” sabi ng aming impormante.

Tumutulong si Sharon Cuneta nang walang ingay. Walang mga camera. Tahimik lang niyang ginagawa ang pagtulong na dikta ng kanyang puso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.