Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality tamad magtrabaho

0 1,460

Matibay na zipper ang nakakabit ngayon sa bibig ng showbiz couple na kahihiwalay pa lang ng landas. Walang makapilit sa kanila para magsalita tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Puro ispekulasyon lang ang naglalaro sa isip ng marami, walang kumpirmasyon, hanggang sa lumutang ang kuwento ng mga taong malapit sa dating mag-asawa.

Kuwento ng aming source, “Una, napakaaga nilang pumasok sa pag-aasawa. Buti nga at nakapitong taon pa sila, dahil ang hula nu’n ng marami, sa ikalawang taon pa lang ng pagsasama nila, e, sa hiwalayan na agad ‘yun mauuwi.

“Pero dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa, pinatunayan nila na hindi dahilan ang pagiging bagets nila, magtatagal sila, basta walang bibitiw sa sumpaan nila sa hirap at ginhawa, magkahawak-kamay lang sila,” simulang hirit ng aming imporante.

Pero habang tumatagal ang kanilang relasyon ay marami nang umuusbong na problema, hindi naman mapaghanap ang babae, kaya niyang magtiis kung hindi man naibibigay ng male personality ang kanyang mga gusto basta huwag lang silang kakapusin nang sobra-sobra.

Balik-chika ng aming source, “Du’n na nagsimula ang madalas na pagpunta ng girl sa mommy niya na kasama ang mga anak nila ng male personality. Nandu’n na ang paglalabas ng mga sama ng loob, siyempre!

“May communication na rin ang girl at ang father niya, walang mga reklamong sinasabi, pero alam nilang problemado ang girl. Nagkaroon daw kasi ng panic attack ang guy.

“Panic attack na naging depression kaagad, kaya parang nawalan ng ganang magtrabaho ang male personality. Natural, kapag wala sa kundisyong mag-work ang kahit sino, walang kinikita!

“Ganu’n ang nangyari, kaya tumabang ang lasa ng relasyon nila. Naging tamad ang guy, nawalan ng focus, ang galing-galing pa naman niyang umarte.

“Okey lang sana kung silang mag-asawa lang ang nangangailangan, kaso, may mga anak silang may mga pangangailangan din, kaya nauwi sa hindi maganda ang relasyon nila.

“Sana nga, e, magkabalikan pa rin sila, magising na sana sa katotohanan ang guy na kailangan niyang gumalaw-galaw, para maibigay ang mga needs ng kanyang pamilya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Piolo inurirat sa nililigawan

Para sa isang pamosong artistang tulad ni Piolo Pascual na tatlong dekada nang humaharap sa mga camera nang halos araw-araw ay napakaideyal ng kanyang pribadong buhay ngayon.

Nakapagpundar siya ng bahay na malayo sa ingay ng lunsod, malapit sa dagat at mga kabundukan, ‘yun ang pinapangarap ng mga personalidad na sagad na sagad ang katawan sa pagtatrabaho.

Paggising niya ay wala siyang hinahabol na oras para sa shooting at taping, kanyang-kanya ang maghapon at magdamag, kaya ang panahon ng guwapo pa ring aktor sa kabila ng kanyang pagkakaedad ay naibabaling niya sa maraming produktibong bagay.

Nag-aalaga siya ng mga manok, naghahalaman, umaakyat siya ng bundok na dati’y pinapangarap lang niya, nakapaglalayag siya sa dagat anumang oras na gustuhin niya, ganu’n ang ikot ng kanyang buhay ngayon.

Minsan ay tinanong namin ang isang sikat na male personality kung ano ang plano nitong gawin kapag ang pamamahinga ay malapit na. Napakasimple ng kanyang sagot.

“Gusto kong magpatayo ng bahay na dagat ang una kong makikita sa paggising ko. ‘Yung wala akong iniintinding oras na hahabulin para sa trabaho. Ganu’n ang gusto kong retirement kasama ang pamilya ko,” sabi ng pamosong aktor.

At ‘yun ang klase ng buhay na meron ngayon si Piolo Pascual, nayayakap niya ang kalikasan, wala siyang stress dahil hindi na siya aktibo sa pagtatrabaho.

Pero sana nga, sana’y huwag makalimutan ni Piolo ang personal niyang buhay, meron siyang pamilya pero iba pa rin ang buhay na magkasabay nilang inaalagaan ng kanyang maybahay.

Madalas niyang sabihin na gustung-gusto na niyang mag-asawa, pero ang tanong ng bayan, may nililigawan ba naman siya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.