Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality tigil-pahada

0 71

Pinagpipistahan sa isang umpukan ang isang kilalang male personality na naudlot ang mga pangarap nang tumama ang pandemya. As in, parang huminto ang ikot ng kanyang mundo.

Dati kasi ay napakaluwag ng pagpasok ng mga biyaya sa kanyang buhay, kahit wala siyang gaanong trabaho ay malaki ang kanyang ipon, bukod kasi sa pag-arte ay meron pa siyang sideline.

Unang sultada ng aming source, “Actually, hindi naman niya pinapansin ang pag-arte, okey lang sa kanya ang paminsan-minsang exposure, mas malaki kasi ang kinikita niya sa pagsa-sideline.

“’Yong kikitain niya nang ilang araw sa pag-arte, walang-wala ‘yon kumpara sa kinikita niya sa pagsa-sideline niya! Sampung doble ang kinikita niya du’n!” nakataas ang kilay na buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Hindi niya inaamin kung ano ang pinagkakaabalahan niyang sideline, ngiti lang ang isinasagot ng male personality kapag nasusukol siya, pero maraming nakakaalam kung paano siya kumikita nang super-laki.

Patuloy ng aming source, “Maliit lang ang mundo ng showbiz, mas di hamak na maliit lang ang mundo ng mga Boogie Wonderland, kaya paano naman niya maitatago ang matinding raket niya?

“Saan niya naman kukunin ang malaking datung na naiipon niya kundi siya gagawa ng ganu’n, di ba? Ang pag-arte niya naman, e, paminsan-minsan lang, hindi naman kahabaan ang mga roles na napupunta sa kanya!

“Nagpapatayo pala siya ng bahay sa probinsiya nila, naumpisahan na ang housing authority, halos nangangalahati na. Pero mula nu’ng pandemya, e, ipinahinto na niya ang pagpapagawa.

“Delikado nga naman ang panahon, mahirap na, baka madale pa siya ng virus! Wala kasing naglalakas-loob na magpa-booking, takot na takot ang mga clients! At takot din silang mga pa-booking!

“Ayun, ipagpapahintay na lang siguro niya ang pagpapagawa ng balaysung niya kapag safe na safe na ang mundo sa COVID! Aanhin nga naman niya ang malaking kadatungan kung matsutsugi naman pala siya?

“Matindi talaga ang naging epekto ng pandemya sa lahat! Tipid-tipid lang ngayon kapag may time ang male personality na makinis, guwapo, mahusay namang umarte at malakas ang karisma sa mga becki,” paglalarawan pa ng aming source sa kanyang pagtatapos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Araw ng paghuhukom

Ngayong Lunes na ang paghuhukom sa mundo ng politika sa ating mahal na bayan. Tapos na ang mga pagsigaw sa entablado de kampanya. Ngayon na natin malalaman kung kaninong boses ang mas pinakinggan at pinaniwalaan ng ating mga kababayan.

Gamitin natin ang ating kalayaan at karapatang bumoto. Sa ating mga kamay nakasalalay ang magiging kinabukasan ng ating bayan sa susunod na anim na mahahabang taon.

Hindi pa natin agarang malalaman kung sino talaga ang nagwagi sa panguluhan, sa posisyon ng ikalawang pangulo, ang demokrasya ay hindi lang umiikot sa pagboto kundi maging sa malinis na bilangan.

Sa wakas ay matatapos na rin ang mga hindi pagkakaunawaan ng mga personalidad nang dahil lang sa magkakaibang kulay ng politikong kanilang minamanok.

Harinawang magkita-kita na sila nang mata-sa-mata, bumalik na sana ang pagkakaibigang matagal na panahon nilang iningatan at inalagaan, nakapanghihinayang naman kung mauuwi sa wala ang kanilang samahan nang dahil lang sa politika.

Kris urong-sulong ‘paglipad’ sa Tate

Isang mapagkakatiwalaang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nagbulong sa amin na hanggang hindi maayos ang blood pressure ni Kris Aquino ay talagang hindi siya papayagan ng kanyang mga doktor na bumiyahe papuntang Amerika para sa kanyang gamutan.

Hindi na muna siya paaalisin, mas mabuting dumito na lang siya nang ligtas, kesa naman sa bumiyahe nang labingdalawang oras na malalagay sa alanganin ang kanyang buhay.

Urong-sulong ang pag-alis ni Kris dahil sa kanyang blood pressure, napakadelikado nu’n kapag nasa biyahe na siya dahil sa pressure sa eroplano, walang katiyakan ang kanyang kalagayan.

Totoong mas malaki ang porsiyentong matutukan ang kanyang sakit sa Amerika, pero kung sa simula pa lang ay may mga umaalsa nang problema, mas mabuti sigurong dumito na lang muna siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.