Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality tinalakan ng selosang partner

0 81

Bago pa pumutok ang balitang hiwalay na ang isang showbiz couple ay marami nang nagtatakang mga kasamahan ng male personality kung bakit para siyang malungkot na parang laging nag-iisip nang malalim.

Madaling mapansin ‘yun dahil kilala ang lalaking personalidad na magaling sa komedya kahit pa hinahangaan din siya sa drama. May mga gustong magtanong kung bakit pero nirerespeto nila ang pananahimik ng aktor.

Kuwento ng aming source, “Kaya hindi na nagulat ang tropa nu’ng lumabas ang balitang hiwalay na ang male personality at ang kanyang partner. Alam na nila ‘yun, inaasahan na nila, dahil pansin na nila ang pagiging maligalig ng male personality.

“Ilang months na nilang napapansin ‘yun, hindi lang basta malungkot ang male personality, naghahanap pa siya ng lakad, ayaw niya munang umuwi kahit pa tapos na ang work nila,” unang hirit ng aming source.

Maraming iniisip na dahilan ang mga taong malapit sa magkarelasyon kung bakit sila tuluyang nagkahiwalay. May nagsasabing pera ang dahilan. Meron namang nagkokomento na ang pagiging selosa ng babae ang nagtulak sa male personality na makipaghiwalay na.

Sabi uli ng aming impormante, “Maraming relasyong naapektuhan ng pandemic. Pera ang dahilan. Pero sa case nila, e, hindi dapat maging reason ang pera, dahil kahit pandemya, e, maraming projects ang male personality.

“Marami siyang ginagawa, masuwerte ang aktor, ang dami-dami niyang work na pinagkakaabalahan, samantalang ang maraming artista, e, nganga ngayon! Parang hindi convincing ang dahilan na pera ang pinag-ugatan ng paghihiwalay nila.

“Parang mas kapani-paniwala na ang pagiging selosa ng girl ang reason. Matindi ang insecurity niya siyempre ngayon, kasi, mabenta ang guy sa mga projects na may kasamang leading lady na parang totoong-totoo ang mga eksenang ginagawa nila.

“Kung ikaw nga naman ang lalaki na pagod na pagod sa katatrabaho, tapos, pag-uwi mo, e, tatalakan ka pa ng partner mo, talagang nakakainis ang ganu’n!

“Instead na asikasuhin ka dahil kagagaling mo lang sa work at pagod na pagod ka, e, mabubuwisit talaga ang lalaki kapag ganu’n ang nangyayari!

Related Posts

“Mas kapani-paniwala ‘yun kesa sa problema sa finances nila. ‘Yun siguro ang reason kung bakit nagkaganu’n ang guy, ayaw na halos niyang umuwi pagkatapos ng trabaho niya, mas gusto na lang niyang nasa labas na kasama ang mga friends niya,” pagtatapos ng aming source.

Kim nilaglag ng kasamahan sa ‘Showtime’

Kailangan pang dumaan sa matinding kalungkutan si Kim Chiu para maniwala ang mas nakararami na totoo nga ang relasyon nila ni Xian Lim. Matagal na kasing pinagdududahan ang kanilang relasyon.

Meron pa ngang lumabas na kuwento na kapag nandu’n ang mga reporters ay napaka-sweet nila, pero kapag nag-alisan na ang mga nag-interbyu sa kanila ay kani-kanya na sila ng lugar, hindi na nagpapansinan.

Ginagamit lang daw ng binata si Kim, nakikisakay lang daw si Xian sa kasikatan ng dalaga, ganu’n daw ang panukat sa kanilang relasyon dati.

Pero ngayong may pinagdadaanang problema si Kim sa kanyang career ay palaging nakabantay sa kanyang emosyon si Xian, positibo ang mga payo sa kanya ng aktor, ramdam na ramdam ng publiko ang kanyang pagmamahal kay Kim.

Nakakagulat ang mga kuwentong naglulutangan kung bakit inaapuntahan nang matinding depresyon ngayon si Kim. May mga kasamahan daw siya sa It’s Showtime na nanglalaglag sa kanya.

Tinatanggalan siya ng partisipasyon sa programa, pinagdadamutan siya ng pagkakataong makapagsalita, para ano pa raw at kinuhang isa sa mga hosts sa noontime show si Kim?

Maraming pinasasaya si Kim sa show, hindi kasi siya napipikon kahit pa inisin siya nang inisin ng kanyang mga kapwa hosts, napaka-game niya.

At sa totoong buhay ay maganda ang puso ni Kim Chiu, nasubaybayan namin ang kanyang karera mula nang tanghalin siyang kampeon sa PBB, walang masamang tinapay para sa personalidad na ito.

Sana’y malampasan niya ang kalungkutang ito, sana’y huwag magtagumpay ang mga taong nanglalaglag sa kanya, kung meron man.

Leave A Reply

Your email address will not be published.