Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ubos ang datung sa bisyo

0 61

Sa showbiz man, mundo ng pulitika at palakasan ay pana-panahon lang ang labanan. Nasa itaas sila ngayon pero bukas ay nasa ibaba na.

Wala nang salapi, wala nang kapangyarihan, wala talagang forever. Hindi naipangangako ang bukas, walang kasiguruhan, kaya habang kumikita pa ay kailangan nilang mag-ipon para sa kinabukasan.

Kuwento ng aming source, “Oras na dumating na ang oras na ‘yun, e, damay ang kanilang pamilya, damay na damay ang kanilang kabuhayan. Kapag hindi natuto sa buhay, siguradong nganga ang aabutin nila.

“Tulad ng isang male celebrity na sikat sa kinabibilangan niyang mundo, sobrang nawindang siya sa popularity at tinatanggap niyang suweldo mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya!

“Hindi siya nag-ingat sa datung, sinabayan pa niya ng bisyo ang popularidad niya, ano ngayon ang nangyayari sa kanya?” tanong-opinyon ng aming impormante.

Pangarap ng maraming kalalakihang mahilig maglaro ng bola ang inabot na katanyagan ng male celebrity. Magaling naman kasi siya talaga, pinagpipistahan ng mga kababaihan at kabekihan, pero hindi siya nag-ingat.

Kuwento uli ng aming source, “Dahil sa pinagkaabalahan niyang bisyo, ang wife niya ang parang trumpo ngayon sa paghahanap ng pera. Kalat-kalat ang pagkakautang ng girl, sinisingil na siya ngayon ng mga pinagkakautangan niya, pero wala nang mailabas na datung!

“Inis na inis na nga ang isang kaibigan naming inutangan ng girl. Puro pangako lang ang alam. Mangangakong magbabayad na pero wala naman! Naghuhulog lang siya nang pakonti-konti, kasi nga, naubos na ng bisyo ng mister niya ang naipon nila!

“Dapat, e, itali niya ang husband niya para hindi na makapagbisyo, sugal pa rin nang sugal ang guy, e, baon na nga sila sa utang!

“Kasi naman, sobra-sobra ang pagmamahal ng girl sa mister niya, isa siyang faney, kaya sinusunod niya ang mga luho ng asawa niya!

“Ang nakakaloka pa, may ibinigay na document ng property nila ang girl sa friend ko, ‘yun na lang daw ang ipambayad sa utang nila. Kaso, nu’ng ipa-check ng friend ko ang mga papeles, nakasangla naman pala ang property!

“Ano ba ‘yan? Nagkawindang-windang ang buhay nila dahil sa pagsusugal ng guy! Buti na lang, nakaligtas ang isang sikat na gay personality sa ganu’ng kapalaran!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bea , Dominic buking sa grocery store

Tawa kami nang tawa habang nakikinig sa kuwento ng isang kaibigan naming matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa Los Angeles, California.

Nakita raw kasi nilang magkapatid sa isang pamosong grocery store si Bea Alonzo. Naka-black jacket daw ang magandang aktres at ang kasama niya namang guy ay black jacket din ang suot at naka-cap.

Alam na namin kung sino ang kasama ni Bea, pero pinabayaan muna naming magkuwento ang nasa kabilang linya. Aliw na aliw kami sa kuwento.

Sabi ng aming kaibigan, “Napakaganda talaga ni Bea Alonzo kahit wala siyang make-up! Sobrang ganda niya! Nakatabi namin siya sa grocery, ngumiti pa nga siya. Nice siya!

“May guy siyang kasama, pero hindi masyadong dumidikit sa kanya. Pero alam mong magkasama sila, dahil kung hindi, ano ‘yun, stalker ang guy na sumusunod-sunod sa kanya?” unang kuwento ng aming kausap.

Nang tanugin namin ito kung sino ang kasama ni Bea, pamilyar ba sa kanya ang itsura ng lalaki, artista ba ito?

Dito na kami malapit tumambling, ang kanyang sabi, “Guwapo naman ang guy na may angle na parang si Alden Richards. Pero hindi si Alden, e! Dahil kung si Alden ‘yun, makikipag-selfie kami!

“Maraming kamukha ang guy, pero hindi namin siya kilala, baka pinsan siya ni Bea at nagpasama lang siya!” napakadiing sabi ng aming kaibigan.

Nu’ng sabihin namin sa kanya na ang lalaking sumusunod-sunod kay Bea ay si Dominic Roque, ang napapabalitang ayaw amining boyfriend ni Bea, ay ito ang kasunod na tanong ng aming kausap, “Sino ‘yun?”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.