Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality walang amnesia

0 142

Maraming pinasayang mga kaibigan at kababayan ang isang kilalang male personality. Sulit na sulit ang hindi niya pag-uwi nang mahabang panahon sa kahilang probinsiya.

Naging abala kasi ang aktor sa kanyang career, hindi siya pinagdadamutan ng trabaho, kaya kundi pa nagkapandemya ay wala pa siyang panahon para makadalaw sa kanilang lugar sa isang may kalayuang probinsiya.

Kuwento ng aming source, “Inipon niya ang mga kaibigan at kaklase niya, nagkita-kita sila, nagpahanda siya sa bahay na ipinagawa niya para magkaroon ng time para sa napakahaba nilang kuwentuhan.

“Nagpaluto siya, naghanda nang bonggang-bongga, ilang taon na kasi siyang hindi nakakauwi. Pero siyempre, sumunod naman sila sa health protocol para walang maging problema,” unang sultada ng aming impormante.

Nu’ng unang mga taon niya sa pagiging artista ay hindi naging kagandahan ang dating ng male personality sa kanyang mga kababayan. Maraming nagsasabing yumabang na siya, hindi na nakakaalala, madali raw siyang makalimot sa kanyang pinagmulan.

Chika uli ng aming source, “Hindi kasi naiintindihan ng marami ang buhay ng isang artista. Hindi siya puwedeng basta umuwi, marami siyang nakabiting trabaho, on call siya.

“Para sa iba, lalo na sa mga naiinggit dahil gumanda ang kapalaran niya, e, kayabangan na ang ganu’n. Hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan niya.

“Pero sa huling pag-uwi niya, e, wala nang nasabi pa ang mga kaibigan niya, ang mga kaklase niya mula nu’ng nasa elementary pa lang sila, puring-puri na nila ang male personality.

“Sabi niya sa isang kaibigan niya, ‘Makakalimutan ba naman kita? Sa iyo lang ako nanghihiram ng isusuot kapag may celebration sa school natin?’ Marami siyang binalikang alaala na ikinasaya ng mga kaibigan niya.

“Nagbago nga ang male personality, pero sa itsura lang niya. Guwapo na siya ngayon, maganda na ang katawan niya, makinis na siya!

SM food to go Banner Ad

“Napakaigsi lang ng name niya, dalawang letra lang, saka may kapangalan siyang dambuhalang ibon!” pagtatapos ng aming source.

Mga guro pinahamak kay Angel

Dapat lang namang humingi ng paumanhin ang departamento ng edukasyon kay Angel Locsin dahil sa kawalang-respeto ng isa nilang kahanay. Ang ginawa ng gurong tumawag ng obese sa aktres ay hindi kasalanan ng lahat ng guro pero dahil sa ginawa nito ay damay ang kanyang mga kasamahan.

Kuwento ng isang teacher na nakausap namin, “Nakakalungkot lang, isa lang ang gumawa, pero kung i-bash ang lahat ng mga guro, e, grabe! Damay-damay na ang naging resulta ng ginawa ng teacher!

“Siya lang naman ang nagpaka-insensitive, pero kung mababasa n’yo ang mga posts, lumalabas na lahat ng teachers, e, puro bastos na!” himutok ng aming kausap.

Sensitibo ang paksa, na nagmula pa naman sa isang guro na pinaniniwalaan nating tagalinang ng kaisipan ng mga kabataan, pero ito pa pala ang magtuturo ng hindi kagandahang asal.

Ibinigay nitong halimbawa si Angel Locsin bilang obese sa module. Na kaya raw ganu’n kataba ang aktres ay dahil sa kakakain ng produkto ng isang food chain na ineendorso nila ni Coco Martin.

Wala raw exercise si Angel, hindi gumagalaw, palagi lang daw siyang nakatanghod sa harap ng telebisyon. ‘Yun ang paglalarawan ng nasabing guro sa magandang aktres.

Napakairesponsableng paghahalimbawa. Napakalinaw na body-shaming ‘yun, pamimintas sa isang personalidad, na walang kamalay-malay sa pagiging padaskul-daskol ng guro.

Isang maling halimbawa ang ibinigay ng guro sa modules na ipinakakalat nito sa kanyang mga estudyante. Napakalaking kahihiyan ‘yun hindi lang kay Angel Locsin kundi para sa mismong guro na naging halimbawa rin ng kawalan ng respeto sa kanyang kapwa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.