Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality walang ganang magbayad ng utang sa network

0 185

May kuwento ang aming source kung bakit tinatamad nang magtrabaho ang isang kilalang male personality. May kinalaman pala ‘yon sa budget. Sa pera.

Palaging nangangailangan ang male personality, hindi maluwag ang kanyang bulsa dahil pasulput-sulpot lang ang kanyang trabaho, maiigsi rin lang ang papel na ginagampanan niya.

Unang kuwento ng aming source, “Dahil sa matindi niyang pangangailangan, humihingi siya ng tulong sa network na pinagtatrabahuhan niya. Nakakapag-cash advance siya!

“E, hindi naman hingi ‘yon kundi utang. At ang utang, e, kailangang bayaran!” paglilinaw ng aming impormante.

Natural, tuwing may proyektong ginagawa ang male personality, nagbabawas naman ng halagang panghulog ang istasyon sa kanyang pagkakautang.

Sabi uli ng aming source, “Uutang-utang siya, pero parang ayaw niya namang magbayad! Alangan namang ibigay na lang sa kanya ang in-advance niya, e, hindi naman basta barya-barya lang ‘yon?

“Kailangan, alam niya na kapag may utang siya, e, babayaran niya ‘yon! Meron ba namang daang libo na basta-basta ipamimigay na lang ng istasyon sa talent nila?

“Tapos, tatamarin siyang magtrabaho? Halatang-halata na wala siyang ganang mag-work, kasi nga, pagdating sa talent fee niya, e, may ibinabawas ang network!

“Nangutang siya, natural, kailangan niyang magbayad! Hindi dapat madamay ang trabaho niya sa pangungutang niya!” naiinis pang sabi ng aming impormante.

Kulang na kulang pala kasi sa disiplina ang kilalang male personality, hindi siya marunong humawak ng perang pinagpapaguran niya, inuuna pa niya ang kanyang mga granatsa.

Patuloy ng aming source, “Hindi na kagaya nang dati ang buhay niya, may responsibilidad na siya ngayon, may dapat nang kuwian ang perang pinagpapaguran niya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung dati, e, sarili lang niya ang inaalala niya, ngayon, e, may pamilya na siya, may anak na siyang binubuhay! Pero inuuna pa rin niya ang mga luho niya, paano ngang hindi siya kakapusin?

“Naku, kapag ganyan siya nang ganyan, e, hindi na talaga siya makalalabas sa rehas ng kagipitan! Magiging matindi palagi ang pangangailangan niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Aktor-politiko hinihintay ang Diyos sa pag-urong

Maraming nagbibigay ng opinyon na kailangan nang umurong sa labanan si Senador Manny Pacquiao. Unang-una ay wala naman daw siyang pag-asang manalo kaya bago pa mahuli ang lahat ay kailangan na niyang isuko ang laban sa panguluhan.

Ang palaging tugon ng senador ay may hinihintay raw siyang mensahe ng Diyos. Pinasok daw niya ng matinding laban na ito dahil sa kanyang panaginip. Tungkol ‘yon sa puting kapabayo na sinasabi lagi ng Pambansang Kamao.

Napanood namin ang paglilitanya ng kontrobersiyal na si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa pastor ay hindi raw dapat ginagamit ni Senador Pacman ang pangalan ng Panginoon sa linya ng politika, dahil hindi naman ang Diyos ang nagsabi sa kanya na tumakbo.

“Ano ang kinalaman ng Diyos sa pagtakbo mo? Ikaw at ang mataas mong ambisyon ang dahilan ng pagtakbo mo bilang pangulo, kaya anong mensahe ng Diyos ang hinihintay mo para ka umurong?

“Ikaw ang nagdesisyon, hindi ka naman sinabihan ng Diyos na tumakbo ka, di ba? At kung may hinihintay ka ngang mensahe, ayan na ‘yon!

“Kulelat ka, hindi pa ba ‘yan ang sinasabi mong mensahe ng Diyos sa iyo?” malumanay pero matapang na litanya ni Partor Quiboloy.

Matagal na raw nitong sinabihan ang Pambansang Kamao na huwag nang kumandidato bilang pangulo dahil hindi niya kakayanin pero hindi nakinig sa kanya ang senador-boksingero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.