Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality walang kabit sa hiwalayan

0 155

Mismong malalapit na personalidad sa sinasabing kahihiwalay pa lang na magkarelasyon ang nagpapatunay na walang third party sa hiwalayan.

Malabong mangyari ‘yun, may totoong karelasyon ang itinuturong babae sa kuwento, sa harap ng camera lang sila nagkaroon ng ugnayan ng male personality.

Sabi ng isang source, “Naku, hindi type ng girl ang mga datingan nu’ng male personality. Malayo sa listahan niya para makarelasyon ang lalaki, walang-wala ang mga katangiang hinahanap niya sa male personality.”

Ayon sa kampo ng lalaki ay hindi na nakapagtataka ang naganap na hiwalayan. Ilang buwan pa lang ang nakararaan ay kapansin-pansin na ang lungkot sa male personality sa linya ng kanyang trabaho.

Kuwento ng aming source, “Una, ‘yung tungkol sa girl na sinasabing third wheel sa relasyon, hindi puwedeng mangyari ‘yun. Marami namang nakakaalam na wala ang quality na hinahanap niya sa male personality na inili-link sa kanya.

“Walang third party sa relasyon. Nangyayari naman ang ganu’n, di ba? ‘Yung dumarating na lang ‘yung time na hindi na sila masayang magkasama.

“Marami na silang hindi pinagkakasunduan, nagkakaroon na sila ng mga argumento, tanda ‘yun na lumiliit na ang mundo nila. So, kesa naman magkasama pa sila nang hindi na nagkakasundo, magdedesisyon na lang silang magkani-kanyang buhay,” unang kuwento ng aming source.

Masipag ang male personality, hindi siya napapagod sa dami ng trabahong tinatanggap niya, lahat ay ginagawa ng aktor para sa kanyang pamilya.

“Walang pagkukulang ang male personality, hindi siya tumatanggi sa work, basta para sa family niya, go lang siya nang go.

“Ano ba? E, hindi nga niya responsibilidad, e, sinasagot niya, di ba? Siya ang tumatayong tatay kahit hindi niya naman obligasyon ‘yun!

“Basta, one day, e, naramdaman na lang siguro nilang malabnaw na ang pagsasama nila. Wala na ‘yung dating init, marami na silang pinagtatalunan.

“Kesa nga naman makita pa sila ng mga bata na nag-aaway, mas magandang maghiwalay na lang sila. Naku, hindi pababayaan ng male personality ang anak nila nu’ng girl! Hinding-hindi!” madiing pagtatapos ng aming source.

Gerald suko kay Bea

Ang salitang ghosting ay habampanahon nang nakatatak sa pagkatao ni Gerald Anderson. ‘Yun ang terminong ginagamit kapag may karelasyon pa ang lalaki pero biglang humanap pa uli ng iba. Pinagsabay niya ang dalawang babae sa buhay niya.

Ghosting din ang interpretasyon kapag pinalalabas ng lalaki na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend pero ang totoo ay hindi naman.

Palusot lang niya ‘yun para makapambabae. Walang pakialam niyang iniwan ang kanyang karelasyon dahil may bago na siyang mahal.

Napakatagal na panahong ipinagkaila ni Gerald Anderson ang bintang na ghosting. Ipinipilit niya na tapos na sila ni Bea Alonzo nang pumasok sa buhay niya si Julia Barretto.

Matigas ang leeg ni Gerald, wala na raw sila ni Bea nang maging magkarelasyon sila ni Julia, ganu’n ang kanyang paninindigan para malusutan ang kaliwa’t kanang upak sa kanya sa social media.

Pero pagkatapos nang ilang buwan ay iba na ang tono ng pagsasalita ni Gerald. Hinaluan na niya ‘yun ng pagpapakumbaba. Sana raw ay mapatawad siya ni Bea sa nangyari.

Wala na siyang ibinigay na anumang paliwanag, basta sana raw ay patawarin siya ni Bea, tanggap na niya ang ginawang panggo-ghosting niya kay Bea.

Lalabas at lalabas din naman kasi ang katotohanan gaano man niya ‘yun itago. Kahit pa sabihin niyang libre na siya nu’ng maging magkarelasyon sila ni Julia at walang maniniwala.

Mabuti naman at nang sabihin ‘yun ni Gerald ay maligaya na si Bea sa kanyang bagong karelasyong si Dominic Roque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.