Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality wapakels sa GF; aktres TH sa balikan

0 243

Isang malaking leksiyon para sa mga kababaihan ang pinagdaanan ng isang kilalang female personality. Masyado niyang ipinaramdam sa kanyang karelasyon ang sobra-sobrang pagmamahal.

Tingin tuloy ng mundo nu’n ay siya lang ang nagmamahal sa male personality at wala naman itong nararamdaman para sa kanya.

Kuwento ng aming source, “’Yon na nga! Mukhang nakalimutan na niyang nag-iwan ng pagmamahal sa sarili niya dahil palaging ang guy lang ang iniintindi niya!

“Ano tuloy ang nangyari? Hindi naging reciprocal ang relasyon nila. Parang ang girl lang ang nagmamahal sa guy at ang lalaki naman, ang loveteam lang nila ang iniintindi!” unang komento ng aming impormante.

Nu’ng mga unang buwan naman ay naging kapani-paniwala ang kanilang relasyon, kinikilig ang kanilang mga tagahanga sa ipinakikitang pisikal na pag-aalaga ng male personality sa girlfriend nito, palaging nakayakap ang lalaki sa babae.

Patuloy ng aming source, “Sino ba naman ang hindi maniniwalang love na love din ng guy ang girl, e, panay-panay ang akbay at yakap niya? Hindi nawawala ang braso niya sa bewang ng girl!

“Kaso, naglalabasan ang mga kuwentong hanggang sa harap lang naman ng mga camera ang ginagawa ng guy! Offcam daw, e, hindi naman ganu’n ang male personality sa girlfriend niya!

“Iniiwan-iwan nga raw niya ang girl, kapag nagyaya na ang mga katropa niyang mag-bar hopping sila, e, wala nang pakialam sa girlfriend niya ang guy! Parang nakakawala pala sa hawla ang guy kapag kasama na ang mga friends niya!

“Ni hindi man lang siya tumatawag kung nasaan na siya, wala siyang keber kung mapanghal man sa paghihintay sa kanya ang girl!” pahayag pa ng aming impormante.

Ang pinakamatindi ay nu’ng totohanan na ang hiwalayan nila, nagpaka-trying hard pa kuno ang female personality para magkabalikan sila, na hindi na pinahalagahan ng lalaki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“’Yon ang lesson para sa mga kababaihang nagmamahal. Kailangan nilang mag-iwan ng pagmamahal para sa sarili nila, hindi ‘yong lahat-lahat na lang, e, ibinibigay nila!

“Ayan tuloy, kahit meron na siyang bagong boyfriend, e, ayaw pa ring maniwala ng mga faney nila na maligaya siya. Love on the rebound lang daw naman ‘yon, dahil hindi pa rin siya nakapagmu-move-on sa ex niya!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Raffy binalikan ang buhay mahirap sa US

Naging makahulugan ang pinakahuling biyahe ng pamilya ni Raffy Tulfo sa Amerika. Las Vegas ang una nilang destinasyon kung saan binalikan ng matapang na news anchor at ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn ng ACT-CIS ang napakapayak nilang buhay habang naninirahan du’n.

Itinuro nila ang eskuwelahang pampubliko na pinasukan ng kanilang mga anak na sina Maricel at Ralph, “Wala pa kasi kaming pera nu’n, hindi namin sila mapag-aaral sa private school,” pag-amin ni Kuya Raffy.

Ang pinakamarkado ay ang pagpunta nila sa San Francisco kung saan isang reunion ang ginanap sa bahay ng kanyang Kuya Joseph. Nandu’n silang magkakapatid, pati ang kanyang mga katropa ay nagdatingan, ang ganda ng kuwento ng mapusong news anchor.

“Ang mga nandito po ngayon ay ang mga kaibigan ko nu’ng nakikipagsapalaran pa ako dito sa Amerika. Walang-wala pa ako nu’n, ngayon naman, e, masasabi nating meron-meron na rin naman ako, pero hindi sila nagbago ng pakikitungo sa akin.

“Gumanda na ang buhay nila, puro mga milyonaryo na, pero hindi sila nagbago. Buung-buo pa rin ang tropa namin,” emosyonal niyang pag-alala.

Ang wala lang sa kanilang family reunion ay sina Kuya Ramon at Kuya Ben, humabol naman si Erwin isang araw bago ang pagtitipon, malaki na ang pamilya Tulfo na ramdam na ramdam ang pagmamahalan.

Masarap magpahalaga sa kanyang payak na nakaraan si Raffy Tulfo, tumatanaw siya ng utang na loob sa mga kaibigan niyang nagbigay sa kanya ng pag-asa nu’ng nangangarap pa lang siya, kaya naman biniyayaan siya nang sobra-sobra pa sa kanyang gustong marating.

Sabi ng kanyang mga kaibigan, “We love you, Raffy, you are number one in our heart, we love you, our dear senator!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.