Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality wawasakin ulit ng ex

0 76

Pansamantalang huminto sa pagbubulabog sa isang kilalang male personality ang kanyang dating karelasyon. Hindi na ito nagpo-post ng mga kasiraan sa aktor.

Ilang kaibigan ng lalaking personalidad ang nagpatunay na ibinigay na niya ang kung anong ipinanggugulo ng babae. Matahimik na lang ito.

Pero kuwento ng aming source, “Isang araw, mambubulabog na naman ang babaeng ‘yun, gagamitin niya na naman ang mga anak nila, wawasakin niya na naman ang lalaki.

“Palapit na ang election, asahan na natin na magwawala na naman siya para sirain ang image ng ama ng mga bata. Nakakalendaryo na sa kanya ang panggugulo,” unang sultada ng aming source.

Kinakantiyawan ng kanyang mga kaibigan ang male personality, ang dami-dami na raw niyang pinagdaanang relasyon, pero hindi pa rin siya mahusay kumilatis ng babae.

Patuloy ng aming impormante, “Mahina pa rin sa babae ang male personality! Sa dami na ba naman ng dumaan sa buhay niya, e, mahina pa rin siya hanggang ngayon? Hindi pa rin siya natututong mamili?

“Sa loob nang ilang buwan pa lang, e, makikilatis na niya kung ano lang ang gusto sa kanya ng girl, di ba? Tulad ng girl na ito, puro ginhawa sa buhay lang ang gusto!

“Masaya lang sila kapag nabibigyan niya ng pang-shopping, kapag naibibigay niya ang gusto ng girl, pero kapag wala na, away na agad ang kasunod nu’n!

“Saka pabaya sa mga bagets ang babae, ipinaubaya niya lang sa mga yaya ang mga bata. Mahilig kasi siyang makipagbarkada, nauubos ang time niya sa labas, parang hindi niya naman iniintindi ang mga anak nila nu’ng male personality!

“Kapag nakararating ang kuwento sa male personality at tinanong siya, ang ex pa niya ang galit, ang nagwawala, mahirap kausap ang girl! Siguradong malapit na naman siyang magpasabog!

“Magbilang lang tayo ng ilang months at eeksena na naman sa social media ang girl, puro paninira na naman ang ilalabas niya! Marunong siya sa timing, kung kailan eleksiyon, namumula ang hasang niya!

“Sigurado ‘yun! Ganu’n naman siya palagi, di ba? May eleksiyon at wala, panay-panay ang kuda niya, sa totoo lang!” nainis na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pacquiao ayaw na talunan sa huling laban

Kahit saan talaga ay buhay na buhay ang tsismis. Hindi lang sa showbiz buhay na buhay ang mga intriga, kahit saan ay tsismis tungkol sa mga artista ang pinagpipistahan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Isang dating malapit sa Pambansang Kamao ang nagparating sa amin ng impormasyon na magkakaroon ng rematch sina Pacman at Ugas. Sa December daw ‘yun magaganap.

Kuwento ng aming source, “Ayaw kasi ng team niya na talo ang huling laban niya. kailangang siya pa rin ang panalo, ganu’ng pagpapaalam sa boxing ang gustong mangyari ng mga nakapaligid sa kanya.”

Oo nga’t wala nang dapat pang patunayan si Pacman sa walong sinturong hawak niya sa magkakaibang dibisyon ay hindi pa rin daw sapat ‘yun para sa Team Pacquiao.

Kailangan daw isarado ang libro ng kanyang pagiging boksingero na ang kanang kamay niya ang itinataas ng referee sa lona, siya ang kampeon, hindi talunan.

May mga nagkokomento naman na dahil ayaw nang magpapigil sa pagkandidatong pangulo ni Senador Manny Pacquiao ay dagdag-puhunan para sa kanyang kampanya ang kikitain niya sa rematch nila ni Ugas.

Komento pa ng aming source, “Matalo o manalo man siya sa rematch, e, daang milyon pa rin naman ang take home pay niya, kaya may point ang mga boxing aficionados sa sinasabi nila.

“Kilala si Pacman sa pagiging natmaku, hindi siya ang klase ng taong mabilis maglabas ng pera, kaya kung puwede nga namang manggaling sa iba ang puhunan niya sa pagtakbong presidente, e, why not?

“Pero kung tutuloy siya, e, malaking bukol ang aabutin niya. Bukod sa mga umuupak nang personal sa kanya, e, mahihirapan siyang labanan ang mga tahiran na sa politics.

“May colonial mentality pa rin tayong mga Pinoy. Remember, may batang nagtanong sa parents niya, ‘How can he become president when he can’t even speak straight English?’

“Upper cut ‘yun! Baka du’n pa lang, e, tumumba na siya!” dagdag na komento pa ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.