Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male singer bokya pa sa premyong bahay

0 110

Hanggang ngayon pala, pagkatapos nang maraming taon, ay hindi pa rin natatanggap ng isang kilalang male singer ang mga premyong napanalunan niya sa isang malawakang kompetisyon.

‘Yung ipinangakong bahay bilang bahagi ng kanyang premyo ay hindi pa niya nakikita, para sa male singer ay parang naging drawing lang ang kanyang pinaghirapan, dahil hindi pa niya nahahawakan kahit anino lang ng dokumento ng kanyang premyo.

Kuwento ng aming source, “Napakarami na niyang kinausap sa network, pero wala pa ring linaw kung ano na ang nangyari sa prize niyang bahay. Walang masabi sa kanya ang mga kinausap niya.

“Minsan, e, may pinakiusapan siyang magpunta sa location ng house and lot, wala raw ang susi sa caretaker, kaya hindi nila mabuksan ang unit.

“Sinabihan ng male singer ang kaibigan niya na sirain na lang ang lock ng pintuan at palitan ng bago. Pumayag naman ang namamahala. Nagulat ang friend ng male singer dahil punumpuno ng kung anu-anong tambak ang unit!

“Kung totoong nawala ang susi, bakit tinambakan ang unit ng male personality? Lungkot na lungkot siya dahil parang kinain na lang ng laho ang premyo niya,” unang kuwento ng aming impormante.

Nasa kanilang probinsiya na ngayon ang male singer, wala siyang pinagkakakitaan ngayon dahil bawal ang pagpe-perform sa mga bar, nagtayo na lang silang mag-asawa ng maliit na tindahan.

Balik-kuwento ng aming source, “Sana naman, e, may makapagpaliwanag sa male singer ng kung ano talaga ang nangyari para hindi naman siya nabubuhay sa puro pag-asa lang.

“Huwag na sana siyang pinagpapasa-pasahan, diretsuhin na nila ‘yung tao, para hindi na siya parang trumpo sa kahahanap sa premyo niya!

“Mahirap manghula, mahirap umasa sa wala, ‘yun lang naman ang pakiusap ng male singer na ilang taon nang tanong nang tanong kung nasaan na ang prize niya sa labanan,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Lalong mahihirapan ngayong pandemya ang male singer sa paghahanap sa kanyang papremyo dahil nalagay pa sa alanganin ang network.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sharon ipit kina Tito, Kiko

Naglabas na ng saloobin si KC Concepcion tungkol sa pagtakbo bilang vice-president ng kanyang ama-amahang si Senador Kiko Pangilinan. Ayon kay KC ay isandaang porsiyento ng suporta ang ibibigay nito, kilalang-kilala raw kasi ng aktres ang puso ng senador, post pa ni KC.

Nagparamdam na rin ng saloobin ang bunsong anak nina Senate President Tito Sotto at Tita Helen Gamboa na si Ciara, emosyonal ang kanyang post, iniyakan ng singer-actress ang pagsasalpukan sa halalan ng kanyang ama at bayaw sa pinsan.

Ayon kay Ciara, “I cried because I’m so hurt and disappointed. It made me feel that my parents were of no value, afterall.”

Masakit tanggapin ng magkabilang kampo ang senaryo. Itinuring nang parang panganay na anak nina Senador Tito at Tita Helen si Sharon Cuneta. Sa mga pagkakataong kailangan ng moral support ng Megastar ay nandiyan ang mag-asawa para hindi magdamot ng suporta sa kanya.

Pinakamahirap ang posisyon ngayon ni Sharon, ipit na ipit siya sa dalawang nag-uumpugang bato, mismong asawa niya at mahal na ama-amahan ang magpipingkian sa darating na eleksiyon.

Para na naming nakikinita ang epekto ng labanang ito sa Megastar. Sino ang kanyang papanigan at bibigyan ng boto? Pang-grade one ang tanong. Natural ang kanyang mister.

Pero paano naman ang napakagandang relasyon nila nina Senador Tito at Ate Helen? Pangalawang magulang na niya kung tutuusin ang mag-asawa na palagi niyang tinatakbuhan kapag problemado siya?

Mapagbiro talaga ang kapalaran. At matinding away ang hatid ng mundo ng politika sa mga magkakaagawan sa posisyon.

Wala pang inilalabas na pahayag si Sharon Cuneta, boses niya ang hinihintay ng bayan ngayon, ‘yun ang kaabang-abang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.