Abante Tonite Interactive

Male singer, daks

1,557

tonite-no-thanks-cristy-ferminKinikilig at pumapalakpak ang tenga ng mga kababaihan at kabeckihan habang nanonood ng concert ng isang ma­galing na male singer. May pasantol at pabakat daw kasi ang singer habang nagpe-perform.

May katotohanan daw pala ang press release nu’n ng kanyang girlfriend na taga-Dakota Harrison ang male singer at hindi taga-Duty Free.

Reaksiyon ng isang becki, “Kinunan ko talaga ang harapan niya. Close-up! At tunay ka, may pasantol de butones siya talaga!”

May isa pang kuwento tungkol sa magaling na male singer. Naganap ‘yun sa isang show niya sa ibang bansang nagyeyelo. Balot na balot ng yelo ang buong stadium, hindi siya puwedeng lumabas, sobra ang lamig at siguradong maaapektuhan ang kanyang boses.

Kuwento ng aming source, “E, jingle na jingle na siya, malapit nang sumalang si magaling na male singer, kaya wala siyang choice kundi ang dyuming­gel sa isang malaking bote ng mineral water!

“Malaki ang bibig ng bote, pinakamalaki ang kinuha ng tumulong sa kanya, pero umawas pa rin ang jingle niya pagkatapos. Sabi nu’ng nag-assist sa kanya, ‘Ang laki-laki na ng bilog ng mineral water, hindi pa rin pumasok ang chuchu niya? Daks pala si ____(pangalan ng mabango at magaling na male singer)?”

“Kilig na kilig naman ang mga nakarinig sa sinabi ng tumulong sa male singer, bukod daw pala sa napakalinis na niya sa katawan at palagi siyang mabango, e, maipagmamalaki pa ang sandata niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Isa lang ang komento ng mga becking nanood sa concert ng male singer, “Markado na siya sa amin. Sa susunod, panonoorin namin siya uli, gusto naming ma-experience na naman ang pasantol de butones at pabakat niya, promise!”
Ha! Ha! Ha! Ha!

TF ni Coco nakakalula

Nakakalula ang talent fee ni Coco Martin sa bawat pag-eendorso niya ng mga produkto. Pero hindi ‘yun iniinda ng mga ahensiya dahil epektibong endorser ang bida ng matagumpay na “Ang Probinsyano”.

May lagnat ang bayan ngayon kay Coco Martin, napakaganda ng kanyang imahe sa publiko, siya ang itinuturing na modern day hero dahil sa mula sa pusong pagtulong niya sa mga artistang walang trabaho at sa mga kababayan din nating kapuspalad.

Ang mga produktong siya ang nagbebenta sa buong bayan bilang modelo ay sumasabay sa kanyang tagumpay bilang action serye king ng telebisyon. Bumebenta ang mga produktong iniaalok niya sa ating mga kababayan.

Kuwento ng aming source, “‘Yung ine-endorse niyang alak? Hindi ‘yun tinatawag sa brand ng mga tomador. Pagpunta nila sa tindahan, e, isa lang ang sinasabi nila, ‘Isang bote nga po ng Coco Martin!’

“Alam na ‘yun ng tindera, ganu’n kasikat si Coco, binibili ng mga Pinoy ang mga products na siya ang endorser,” sabi ng aming source.

Maluwag ang mga palad ng action star. Butas na butas ‘yun sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangaila­ngan. Kaya naman ilampung balik ang tinatanggap niya, lalong napupuno ang kaban ng kanyang yaman, hindi na matatawaran ang ganda ng kabuhayan showcase ni Deng.

Pagdating sa trabaho ay sobra ang higpit ni Coco Martin. Nagagalit siya sa mga personalidad na nale-late sa shoot. Palagi niyang ipinaaalala ang pagiging propesyonal sa lahat ng oras.

Tama ang komento ng kaibigan naming propesor na tagasubaybay ng “Ang Probinsyano”. “He had it the hard way kasi, hindi naman siya naging Coco Martin nang magdamagan lang, napakatindi ng pinagdaanan niya bago siya naging ganito kasikat.

“Professionalism ang pinairal niya, kaya natural lang na kapag may mga artistang hindi minamahal ang work nila, nagagalit siya,” sabi ni prop.