Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male singer ‘di mauubusan ng datung

0 74

Kuwento ng aming source ay hindi na maghihirap kahit kailan ang isang kilalang male singer-performer sa laki ng kanyang ipon. Lahat ng meron siya ngayon ay mula sa kanyang trabaho.

Masinop sa kinikita niya ang male performer, hindi siya basta-basta nagsasayang ng pera, gumagastos man siya ay nakalaan ‘yon sa mga kagamitan niya sa pagtatrabaho.

Unang kuwento ng aming impormante, “Pareho silang mag-asawa na marunong mag-ipon. Hindi naman nila pinagdadamutan ang mga anak nila, pero madisiplina sila kung hanggang saan lang.

“Napakayaman na ng male performer, wala lang sa itsura niya ‘yon dahil napakasimple niya, pero kahit ilampung lockdown pa ang mangyari, hindi na siya mauubusan ng datung!” sabi ng aming source.

Bukod sa kanyang ipon ay marami na siyang nabiling propyedad, mga ari-arian ‘yon na mapakikinabangan nila, maibebenta nila ‘yon kung gusto nila sa doble-dobleng presyo.

Patuloy ng aming source, “Magaling talaga siyang humawak ng pera. Sa piso niyang kinikita, beinte lang ang ginagastos niya, nakalagak na agad sa bank ang otsenta.

Ang pinagkakagastusan lang niya, e, ang mga equipment na kailangan niya sa linya ng trabaho niya. Sa ibang bansa pa nanggagaling ang mga kagamitan niya, state of the art talaga!

“Wala na siyang kailangang bilhin, kumpleto na ang mga kagamitan niya, ‘yong mga dati niyang equipments, pinarerentahan pa niya, kaya kumikita pa rin siya du’n. Maaga niyang pinaghandaan ang future ng family niya,” papuri pa ng aming impormante.

Kung maraming singers ang hirap na hirap sa trabaho ngayong pandemya dahil sa paghihigpit ng DOH, ang male performer naman ay hindi nagsayang ng panahon, tuluy-tuloy ang paggawa niya ng mga piyesang kanyang-kanya lang.

“E, nag-eleksiyon. At presidential pa! Siya ang pinakamabenta kapag ganitong halalan! Ang galing-galing naman kasi niya, alam ng mga kababayan natin ang mga piyesa niya!

“Buhay na buhay ang kampanya kapag siya na ang nasa entablado! Hindi na halos siya kumakanta, ang publiko na ang nagpe-perform, audience na ang kumakanta!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At ang totoo, hanggang may politika sa Pilipinas, patuloy pang yayaman nang todo ang male performer na ito na super-yaman na ngayon!

“At ganu’ng rich na rich na siya, e, napakasimple lang niya! Ordinaryo lang ang mga sasakyan niya, ang mga isinusuot niya, pero napaka-liquid niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Andrea OA sa politika

May ibinigay na palang korona kay Andrea Brillantes ang mga bashers. Sinang-ayunan naman ‘yon ng mga Marites. Ang korona ng young actress, “Pinaka-OA na Kakampink!”

Paglalarawan ng marami ay nakikipag-honeymoon ngayon si Andrea sa mundo ng politika. Palibhasa’y ngayon pa lang siya unang boboto, sabik na sabik siya sa bagong mundong papasukin niya bilang Pilipino, talagang isinasapuso niya ang halalang ito.

Bukod sa pagsama-sama sa kanyang mga katropa sa mga kampanya ay gamit na gamit din ni Andrea ang kanyang social media accounts. Napakaaktibo niya sa TikTok, hanggang du’n ay sige-sige siya sa pagkampanya sa minamanok niyang pangulo, sinserseryoso niya ang politika.

Komento ng isang nakakuwentuhan namin, “Naku, sobra siyang seryoso sa pangangampanya! Kahit nga sa concert kung saan siya nag-guest, nagawa pa rin niyang mangampanya!

“Walang sinasayang na panahon si Andrea, talagang kampanya kung kampanya siya! Dalawa lang ang tinututukan niya ngayon, ang lovelife niya, saka ang pagiging Kakampink niya!” tawa nang tawang sabi ng aming kausap.

Bagong voter kasi si Andrea Brillantes, bagong kamulatan ang pinagdadaanan niya bilang Pilipino, madaling intindihin ang kaseryosohan niya.

Sabi ng mga bashers ng dalaga, “Napaka-OA niya! Sige, sa kanya na ang korona, sarilinin na niya! Abangan na lang natin kung ano ang gagawin niya kapag nabigo siya sa inaasahan niya!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.