Abante Tonite Interactive

Male singer karay ang guwapong bagets

By
0 905
tonite-no-thanks-cristy-fermin
Naimbitahang mag-perform sa isang may kalayuang probinsiya sa Luzon ang isang maga­ling na male singer. Siya ang hiningi ng mga naninirahan sa lugar dahil magaling naman talaga siyang kumanta.
Abante Hiring – IT dep
Mahaba ang biyahe, napakahaba, isang van ang hiniling ng male singer na susundo at maghahatid sa kanya pauwi.
Nag-iisa lang naman siya, isang PA lang ang kasama niya sa biyahe, kaya nagtaka ang show promoter kung bakit isang malaking van ang hiniling sa kanila ng male singer.
Kuwento ng aming source, “Pagdating ng van sa pinag-usapan nilang lugar, may mga kasamang boys si ____(pangalan ng male singer). Nagtaka siyempre ang sumundo at ang driver ng van.
“Bakit may mga kasama siyang boys, e, balla­deer siya? Hindi niya naman kailangan ng back-up dancers sa mga klase ng kinakanta niya?
“Nagtataka ang tingin nila, kaya ang sabi ng male singer, ‘Mga friends ko sila, hindi sila mga dancers. Napakahaba ng trip namin, kailangang may mga makausap ako sa biyahe,’ sabi niya.
“So, okey na rin, wala nang poproblemahin ang show promoter, hindi na nila aalala­hanin ang bisita nila, dahil marami namang kasama,” simulang kuwento ng aming impormante.
At habang bumibiyahe ang grupo ay kitang-kita ang kaligayahan ng male singer, parang hindi na nga yata siya natulog para makapagpahinga, dahil panay-pa­nay ang tawanan nila ng grupo.
Patuloy ng aming source, “Pero napansin ng show promoter at ng driver na hindi sila nagpapalitan ng upuan. ‘Yung pinakaguwapong bagets lang ang katabi ni male singer hanggang sa makarating na sila sa venue ng show.
“At hanggang nu’ng pauwi na sila, ang guwapong bagets pa rin ang katabi sa upuan ng male singer. So, alam na this!” humahalakhak na kuwento ng aming source.
‘Yun na!

Kapalaran sa kaso ni Bong malalaman na

Markado ang buwan ng Nobyembre para sa pamilya Revilla. Sa buwang ito ilalabas ng Sandiganbayan ang desisyon sa apat na taon nang pinagdudusahang kaso ni dating Senador Bong Revilla.
Napakatagal nang dinidinig ang kasong ibini­bintang sa aktor-pulitiko, habang ginaganap ang hearing ay nakapiit pa rin siya sa PNP Custodial Center, kaya ngayong Nobyembre natin malalaman kung ano ang magiging kapalaran ni dating Senador Bong.
Matagal nang hiling ng kanyang pamilya na sana’y maresolbahan na nang positibo ang kasong graft laban sa kanya para naman maging normal na ang daloy ng kanyang buhay.
Hindi biro ang manatili sa piitan nang ganu’n katagal, sumasaya lang si Senador Bong kapag dumalaw ang kanyang pamilya, saka ang mga kaibigang hindi nagbago ang respeto at pagmamahal sa kanya sa kabila ng mga kasong ibinibintang sa kanya.
Harinawang makita ng mga nag-iim­bestiga sa kanyang kaso ang literal na pagpapatotoo ng mga tumayong witness na walang kinalaman ang aktor-pulitiko sa kasong pinagdurusahan niya ngayon.
Mismong mga testigo na ang nagpapatunay na ni minsan ay hindi nila nakita si Senador Bong na pumirma ng anumang dokumentong ibinibintang sa kanya. Hindi siya ang nakita ng mga witness kundi si Benhur Luy na pinag-ugatan ng mga kasong hinaharap niya.
Kumpirmadong kakandidato uling senador si Senador Bong, ang kanyang misis na si Mayor Lani Mercado at ang kanilang mga anak ang nagsumite ng kanyang COC, kaya tuloy na tuloy ang kanyang laban.