Abante Tonite Interactive

Male singer matindi ang galit sa bagets na mang-aawit

1,000

Isa lang ang magiging susi para magkaroon na ng katahimikan ng kalooban ang isang young male singer. Wala siyang ibang dapat gawin kundi ang magpakumbaba.

Itapon na ang pride. Hindi lang laway ang nilulunok. Tanggalin na ang kaangasan, walang magandang idudulot sa kanyang buhay at karera ang maagang pagmamalaki, kailangan niya nang makipagtuos sa katotohanan ng buhay.

Kuwento ng aming source, “Hindi alam ng kahit sino kung saan nanggagaling ang matinding galit niya sa isang male singer. Kahit anong pag-alala ng mga kasabayan nila, e, hindi nila malaman kung saan nag-uugat ang galit ni ____(pangalan ng young male singer na may kaangasan) sa dating kaibigan niya.

“Nai-insecure ba siya? Naiinggit ba siya? Wala siyang dapat ikainggit dahil nagtatrabaho lang naman ‘yung tao! Hindi naman siya inaabala!

“Siya nga itong nakasuwerteng magkapiyesa na sumikat, di ba? Ano pa ang kailangan niyang ikainggit, kung bitter nga ang kinakalaban niya, e, ‘yun pa ang puwedeng mainggit dahil nakasuwerte siya!

“Saka bakit ba siya masyadong nanghihimasok sa buhay nu’ng young male singer? Ano ba ang gusto niyang palabasin at patunayan?

“Naku, sa kagaganyan niya, e, baka makapag-isip tuloy ang iba na siya ang may gusto du’n sa binubuwisit niya!” komento ng aming impormante.

Kailangan lang niyang magpakumbaba. Huwag siyang nakikinig sa mga bulong at sulsol na sikat na siya. Bumalik siya sa dating gawi.

Patuloy ng aming source, “Ang totoo, e, mahal siya ng pamilya ng male singer na binubulabog niya. May foundation na ang samahan nila. Alam niya ‘yun, pero instead na pinahalagahan niya, e, inabuso niya!

“Konting pagyuko lang, huwag palaging nakati­ngala, hindi naman mababawasan ang pagkatao niya kung matututo siyang maging humble. Mag-sorry siya,” pagtatapos ng aming source.
***

Terrence niregaluhan ng pekeng LV

Naliligo sa mga branded stuff ang popular na basketbolistang si Terrence Romeo. Mula ulo hanggang paa ay puro original ang isinusuot at ginagamit niya.

Tutok na tutok kasi sa kanya si Pia, ang kanyang misis, ang kinikita ni Terrence sa basketball ay ipinatitikim sa kanya nito sa pagkakaroon ng magagandang kagamitan bilang premyo sa pakikipagbalyahan niya sa hardcourt.

Pero minsang nagsuot ng fake na LV si Terrence Romeo ay naging malaking isyu na. Bakit daw siya nagsusuot ng hindi original? Ang cheap daw ng pambatong player ng San Miguel Beer.

Walang kaalam-alam ang mga nam-bash kay Terrence Romeo na dapat pa pala siyang papurihan sa pagsusuot niya ng fake LV t-shirt.

Isang fan niya mula sa Taiwan ang bumiyahe pa dito para siya panoo­ring maglaro, iniabot nito ang pasalubong sa kanya, na pinahalagahan naman ng basketball player.

Tama si Pia, “Alangan naman pong tanungin pa ni Terrence ang fan niya kung original ba ang pasalubong na LV sa kanya? Hindi gagawin ‘yun ni Terrence.

“So, isinuot niya ang t-shirt, ipinost niya para malaman ng fan niya na ina-appreciate niya ang regalong ibinigay sa kanya,” sabi ng misis ni Terrence na si Pia.

Nakalulungkot lang isipin na sa ganu’ng kagandang layunin ng basketball player ay siya pa ang inupakan ng mga bashers. Sa halip na papurihan si Terrence sa pagpapahalaga sa regalo ng kanyang fan ay siya pa ang pinakain ng ampalaya at pinainom ng apdo.

Three points na nga ang kanyang ginawa ay siya pa ang pinalalabas na sablay.