Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male singer problemado sa liligawan

0 470

Gulung-gulo raw ngayon ang isip ng isang young male singer kung sino ang kanyang liligawan. Pareho kasing maganda ang mga babaeng iniuugnay sa kanya. Walang itulak-kabigin.

‘Yun kuno ang pinagdadaanan ngayon ng young male singer, dalawang young female personalities ang ini-link sa kanya, kaya hindi niya malaman kung sino ang tuluyan na niyang liligawan.

Sa isang umpukan ay naging paksa ang young male singer, komento ng isang miron, “Naku, talagang mahihirapan siyang mamili sa dalawang girls! Parehong maganda, parehong may talent, parehong kilala ngayon.

“Pero ‘yun ba ang talagang problema? Madali namang timbangin ang puso, di ba? E, di kung sino talaga ang mahal niya, ‘yun ang ligawan niya!” madiing sabi ng aming source.

Maraming nagkokomento na napakahirap kuno ng kalagayan ngayon ng young male singer dahil naguguluhan siya sa buhay niya. hindi ang pamimili kung sino ang liligawan niya ang problema, parang ganu’n ang iniisip ng iba, kundi ang kung paano niya ‘yun gagawin.

Patuloy ng aming source, “Kailangan ba siyang maguluhan kung sino ang liligawan niya? Napakadaling magdesisyon kung tutuusin, kung sino ang mas matimbang sa puso niya, e, di ‘yun ang ligawan niya?

“Ang tanong lang naman, e, kung magiging maligaya ba siya sa gagawin niyang panliligaw o hindi? ‘Yun lang naman ang kailangan niyang pakiramdaman, di ba?

“Kung masaya siya sa panliligaw, go! Pero kung hindi, dahil hindi naman niya ‘yun nararamdaman, e, di huwag! Napakadali namang solusyunan ang gumugulo sa utak niya ngayon!

“Maliban na lang kung wala naman talaga sa puso niya ang panliligaw! Baka iba ang napi-feel niya, baka naman hindi buo sa loob niya ang panliligaw at pakikipagrelasyon!

“Naku, kapag nagtagal-tagal pa ang pagpili niya sa dalawang girls, e, lalong maiisip ng marami na iba ang gusto niya! Remember, matagal nang questionable ang gender niya!

“Siguradong humahagok lang sa katatawa ngayon ang isang male singer na nakalaban niya nu’n, sa totoo lang! At sure ding tumatawa siya nang walang humpay sa ilalim ng buwan!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Aljur, Kylie nagkabalikan sa ospital

Naging kalahok sa celebrity edition ng Bangon, Talentadong Pinoy si Aljur Abrenica. Dati nang magaling kumanta si Aljur, manang-mana siya sa kanyang tatay na magaling na bokalista ng banda, pero nu’ng Sabado nang gabi ay mas kapansin-pansin ang kanyang talento.

Bigay na bigay ang kanyang emosyon sa pagkanta, lalo pa’t ang tinutukoy ng kanyang piyesa ay paghihiwalay ng magkarelasyon, pero gusto nang makauwi para ayusin ang kanilang problema.

Nakarating sa amin ang impormasyon na itinape ni Aljur ang pagkanta sa kasagsagan ng kanilang hiwalayan ni Kylie Padilla. Kaya naman pala ganu’n na lang kalungkot ang kanyang mga mata.

Pero nagkabalikan na sila nang makagat ng aso ang kanilang anak na si Alas, sa ospital sila nagkaayos ni Kylie, na nararapat lang naman dahil hindi malinaw ang dahilan ng pagsigaw ng kalayaan ng ina ng kanyang mga anak.

Salamat naman at muling nabuo ang kanilang pamilya pero may leksiyong natutunan si Kylie sa senaryong pinagdaanan nila ni Aljur. Hindi ito dapat nakikinig sa mga bulong at sulsol.

Sila ni Aljur ang direktang sangkot sa kung anumang ipinagmamarakulyo nito, kaya ang kanyang asawa lang ang dapat nitong kausapin, hindi ang mga taong puro sulsol lang ang alam sa buhay.

Kapag nagugutom sila kinabukasan ay sila pa rin ang bibili ng kanilang kakainin, puro satsat lang ang maiaambag ng mga taong nanghihimasok sa kanilang relasyon, sa totoo lang.

Tawa kami nang tawa sa komento ng kaibigan naming propesor, “Ayoko ang itsura ni Kylie. Kahit nakangiti na, e, mukha pa rin siyang kontrabida!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.