Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male singer tamad

0 393

Maraming beses na palang kinausap nang masinsinan ng kanyang mga bossing ang isang kilalang male personality para mahalin niya ang kanyang propesyon.

Sayang kasi siya. Magaling na siyang singer ay nakaaarte pa siya. At epektibo siyang komedyante, natural ang kanyang pagkokomedya, kaya maraming nanghihinayang sa talento niya.

Palagi siyang inirereklamo ng produksiyon, kulang na kulang kasi siya sa disiplina, umaga ang kanyang calltime pero makapananghali na siya dumarating sa set.

Kuwento ng aming source, “Pero wala ring nagawa ang mga bossing ng kumpanyang humahawak sa career niya. Nagsayang lang sila ng laway at panahon. Ilang beses na nilang kinakausap ang male personality, pero wala pa rin siyang pagbabago.

“Wala siyang disiplina. Hindi niya alam kung ano ang prayoridad niya. Walang-wala talaga siyang disiplina. Bukod pa sa tamad talaga siya!

“Sayang na sayang siya dahil magaling siyang kumanta. Hindi siya basta singer, puwede siyang makipagsabayan sa pinakamahuhusay nating singers.

“Napakanatural naman ng brand of acting niya, meron kasi siyang pinagmanahan, magaling umarte ang kapamilya niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Nagsawa na rin sa pakikiusap sa kanya ang mismong pamilya niya. Parang wala lang siyang naririnig. Oo lang siya nang oo pero hindi niya naman ginagawa ang mga ipinapayo sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Kahit ang mga friends niya, e, nagsawa na rin sa pagpapayo sa kanya. Sinawaan na talaga sila. Puro pangako lang naman kasi ang isinasagot niya, pero wala rin namang nangyayaring pagbabago sa kanya!

“Alam niya namang maaga siyang kailangan sa location kinabukasan, pero maglalaro pa siya nang magdamag, puro computer games ang inaatupag niya!

“Hay, naku! Sayang na sayang ang male personality na ito na kung tawagin sa showbiz, e, ‘the late ____.’ Kung kailan siya magbabago, e, siya lang ang makakapag-give ng sagot.

“I-give-up na kasi niya ang mga mali niyang ginagawa, i-give-up na niya ang katamaran at kawalan ng disiplina!” pagtatapos ng aming source.

Sam, Catriona wag bigyan dignidad si Clint

Naalarma ang buong bayan sa mga ipino-post na cryptic messages ni Clint Bondad sa kanyang IG acount. Pa-blind item ang kanyang atake.

Si Clint Bondad ang pitong taong nakarelasyon ni Catriona Gray, ang ating Miss Universe, pero nagkahiwalay sila. Si Sam Milby naman ang napapabalitang boyfriend ngayon ng ex ni Clint.

Sa kanyang mga ipino-post na mensahe ay nag-one-plus-one agad ang mga nakabasa. Wala siyang ibang tinutukoy kundi sina Sam Milby at Catriona.

Nakapangingilabot ang mga mensahe. Isang taong galit na galit lang ang makapaglalabas ng mga ganu’ng kuwento, sobrang galit na galit ngayon si Clint, opinyon ng mas nakararami ay hindi pa siya nakahahakbang nang pasulong mula sa hiwalayan nila ni Catriona.

Sa isa niyang post ay inilabas ni Clint ang mga mensahe ng netizens sa kanya, “At 16, I got caught of having a group sex in the pool.” Sabi naman sa isa pa, “At 16, I gave my teacher a b—job.” At ang isa pa, “At 16, I suc–d my uncle’s d-ck.” Minamasahe ni Clint ang imahinasyon ng publiko.

Sa isa niyang cryptic post ay may ganito na screenshot, “Hey, let’s videocall. I’ll fin–r my pu–y.” Kung may pinariringgan siya sa mga mensaheng ‘yun ay siya lang ang nakakaalam.

Pero mas nakakaalarma ang sinabi ni Clint Bondad na isa siyang henyong hacker. Napapasok daw niya ang account ng kahit sino. Great hacker daw siya.

Kung sinuman ang mga taong tinutukoy niya sa kanyang mga posts ay huwag na lang sanang sumagot. May duda man ang mas nakararami na sina Sam Milby at Catriona Gray ang kanyang pinariringgan ay huwag na sana nilang bigyan ng dignidad at panahon ang mga mensaheng mapakla sa panlasa ng kahit sino.

Pabayaan na lang nilang maglubalob sa kanyang mga pinaggagagawa si Clint Bondad kung ang paraang ‘yan ang makapagpapaligaya sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.