Abante Tonite Interactive

Male singer yumabang to the highest level

By
10

NOON ay extra lang siya sa mga pelikulang comedy.

Sobrang bait niya at walang angal kesehodang  umagahin siya at P300 lang ang TF.

Pinagtiyagaan niya ito hanggang napansin siya ng direktor at isinama-sama siya sa mga ginaga­wang movie.

Other than that (take note), super-join siya sa mga singing contest sa mga bara-barangay at fiesta-fiesta.

Minsan, win siya. Kadalasan, runner-up lang o umuuwing luhaan.

Pati maliliit na bar ng 3 tables lang, pinapatos niya.

Doon siya nasipat ng isang grupo at kinausap siyang sumama sa kanila bilang lead singer.

Join naman siya at doon na napansin ang galing niya, hanggang  sunud-sunod na ang shows nila na parang isang araw lang sa isang linggo ang pahinga.

Sa isang singing contest, jumoin siya. Napansin ang mataas niyang boses at kinabog niya ang mga kalaban.

And the winner is …. si kuya na nga.

Moment na niya!

09-28-2016-politicianDami niya nang show at dumami ang datung niya.

Nabili niya lahat ng gusto niya lalo na ang pinapangarap na kotse.

Ariba rito, ariba roon si kuya kaya pati ang car niya, bumigay.

Si kuya mismo ang nagpagawa ng kotse para hindi raw siya lokohin.

Pagbaba ng kotse, nakilala siya ng fans. Bina­bati at kinakawayan si kuya ng mga utaw, kaya lang, dedma siya.

May gustong magpa-picture, wah niya feel!

May dika-pang-inga­tan ang car niya at baka magasgasan! Tiningnan siya ng mga gumagawa at palihim na tumawa ang mga ito dahil ‘yung mukha ni ­Kuyabang (Kuya + Yabang) ay puro guhit na at burug-burog ang fez.

Hirit pa ni Kuyabang, huwag siyang lolokohin OR ELSE…. ipapapulis sila!

Ang aming utos! Kudas nang kudas, andaming hanash!

Andaming banta!

Hanggang natapos ang ipinaayos.

Si male singer aka Kuyabang, WAH GIVE ng tip.

Agad-agad pinatakbo ang car niya!

Dahil sa pagmamadali, hindi namalayan ni Kuyabang na may humps!

Huminto ang kotse.

Sinabihan ni ­Kuyabang ang mga utaw na itulak ‘yung car niya. Dahil sa attitude niya at WAH HIVE ng tipaklong (tip), walang tumulong sa kanya.

Dedma begets dedma, ikanga!

***

Nakaka-Lito Lapid! Nakaka-Lito Atienza!

Ewan kung alin ang mas matimbang sa kanya – ang pagiging masculine o feminine.

Nasa gitna ang awra niya.

Kute… kuya + ate!

Bata pa lang, hilig na ni kute ang pagtulong sa mga mahihirap at nanga­ngailangan ng gamot, lafang, pabahay, hospitali­zation atbp.

Iyun ang kinalakihan niya sa mama at papa niyang nasa pulitika. Pati mga kamag-anak incorporated, join force rin sa serbisyong totoo sa mga kapuso, kapamilya at kababayan.

Nasilaw raw si na sir na ma’am (whatever!) sa kutitap ng mga ilaw sa showbiz kaya napasama siya sa dalawang mala­king pelikula.

Pati sa television, sumabak si kute.

Nagbinata/nagdalaga siya sa likod ng showbiz, hanggang nakahiligan niya ang mataas na posisyon sa kanilang negosyo.

Pero tinawag pa rin siya na maging kasapi sa magulong pulitika sa bayang magiliw.

Nag-start siya bilang chuwari-wariwap ng ama niyang tumatakbo sa higher position.

Nanalo naman. After 3 years, na-lost in space.

Doon siya kumuha ng hugot line na, “Itutuloy ko ang laban mo, ama ko!”

Kahit wah tulog at tagaktak ang pawis, tuluy-tuloy ang rampa ni kute sa sorties.

Andiyan ang mga pangakong hindi raw mapapako at itaga pa sa bato (ni Darna?) na ang pagtulong niya ay may forever & ever hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga.

Sa isang big night este big campaign, my mga jortista, dancers at gay hosts sa backstage na nagsasayawan sa saliw ng party-party music.

Join si kute!

Danz to the max si politician hanggang siya na ang nag-choreo ng steps.

At nang biglang tinawag ang namesung, biglang ­lumabas si kute na kumakandirit!

Ang  mga utaw, shocking Asia!

Biglang chika ni kute, inaaliw niya lang ang lahat lalo na ang mga ­inaantok para tumaas ang energy!