Abante Tonite Interactive

Male starlet gutom ang career

523

Bidang-bida ang isang male personality sa isang umpukan. Bida nga pero hindi naman kagandahan ang pagpipista sa kanya. Napakanega ng kanyang imahe.

Napakagaling kasi niyang bumira, lahat na yata ng masasakit na salita ay ipinakain niya sa isang aktor-pulitiko, pero kumusta naman kaya ang kanyang karera?

Sabi ng isang miron sa umpukan ng mga taga-showbiz, “Anong pagrespeto ang maaasahan mo sa isang taong mismong kadugo nga niya, e, hindi kayang respetuhin?

Abante Hiring – IT dep

“Kakaiba pa ba ng bakod ‘yun para rumespeto ng ibang tao? Kung ‘yung taong mismong dahilan nga kung bakit siya naging tao, kung tawagin niya, e, paganu’n na lang, di ba?

“Bastos ang male personality na ‘yun! Walang respeto! Kadugo na nga niya, e, binabastos pa niya, aasa pa ba naman ang ibang tao para bigyan niya ng respeto?” simulang komento ng aming source.

Kumusta naman ang kanyang karera, may nagaganap ba namang milagro, umuusad ba naman ang kanyang career?

“Naku, starlet pa rin siya hanggang ngayon! Super-starlet pa rin siya! Hindi muna kasi ang career niya ang atupagin ng mokong na ‘yun, kesa sa pagkukutyain niya at mura-murahin ‘yung actor-politician na sorty na lang sa kanya, pero wagi!

“Galit na galit siya sa mundo! Marami siyang kuda! Kiyaw siya nang kiyaw, pero ang career niya naman, e, gutom na gutom!

“’Yun muna ang pakainin niya, huwag niyang pinakakain ng mura ang winner, ang tulad niyang loser ang binubusog para may mapala naman siya! Magsama sila ng isa pang male personality na kaliga niya sa pagiging starlet!

“Ang gagaling nilang pumuna at magmura, bobo ang tawag nila sa mga bumoto din sa inaayawan nilang politician, manalamin nga muna silang dalawa!

“Tawagin na lang natin silang sina Starlet A at Starlet B. Matatagal na sila sa industriya, pero hindi pa rin sila nagmamarka! Humingi sila ng milagro sa mga nagmumurang abs nila!” madiing pagtatapos ng aming impormante.
Korek!
***

KathNiel, Sharon walang nagawang ‘milagro’

Kagagaling lang namin sa probinsiya. Fiesta sa Visoria, Quezon, Nueva Ecija nu’ng Miyerkules, dinala namin ang magaling na grupong The OPM Hitmen, ang a­ming nayon ay nasasakupan ng District 1 kung saan tumakbong kongresista si Rommel Padilla.

Tuwang-tuwa ang a­ming mga kababayan, lalo na ang aming kababaryo, dahil dumaan mismo sa Visoria ang motorcade ni Rommel kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na may bonus pang Karla E­strada.

Pero nakakalungkot ang naging resulta ng laban ni Omeng, nagwagi pa rin si Congresswoman Suansing, hindi naging boto ng aktor ang mga tili at sigawan ng mga taga-District 1 kina DJ at Kathryn.

Isang patunay lang ‘yun na hindi nakukuha ang pagwawagi sa laki ng pangalan ng mga artistang sumusuporta sa isang kandidato. Pinipilahan ng

milyon nating kababaya­n ang mga pelikula ng KathNiel pero kahit maliit na porsiyento lang nu’n ay hindi nakatulong sa laban ng tatay ni Daniel.

Parang ang Megastar ding si Sharon Cuneta na Chet Sharon Cuneta pa ang nakasulat sa balota ng kanyang kuya, pero wala pa ring naganap na milagro sa Pasay, Lotlot de Leon sa pagka-mayor ang piloto nitong kuya.

Marami kaming nakausap na botante sa aming bayan, ang kanilang komento, “Namuhunan ang kalaban ni Rommel, napakarami nang naideliber na progreso sa distrito, hindi niya makakayang balewa-lain ‘yun!

“Kahit sampung malalaking artista pa ang iparada niya, ang nagsasalita, e, ang napakalaki nang nagawa ni Congresswoman Suansing sa distrito,” mismong mga pinsan namin ang nagsabi.

Pero hindi pa naman katapusan ng mundo ng pulitika para kay Rommel Padilla, may mga susunod pang halalan, ngayon pa lang ay kailangan na niyang magpunla ng pananim para meron siyang anihin sa mga darating na eleksyon.