Abante Tonite Interactive

Male starlet itinanggi ni Sanya

0 210

Itinanggi ni Sanya Lopez na naging boyfriend niya ang Kapamilya hunk na si Gab Lagman.

Sa presscon launching bilang one of the endorsers ng Beautederm ay sinagot ni Sanya ang issue about her and Gab. Magkaibigan lang daw sila ni Gab. Mabait daw ito kaya nahihiya rin siya kung magkaroon ng issue sa kanilang dalawa.

Naging speechless naman si Sanya nang sabihin ni Ms. Rhea Tan ng Beautederm na gagawin silang negosyante by giving them their own franchise ng Beautederm products.

Sinabi ni Ms. Tan na pwedeng mamili ang kanyang bagong endorsers like Sanya ng mall kung saan itatayo ang branch ng Beautederm. Baka raw sa Laguna ilagay ni Sanya ang kanyang branch ng Beautederm na ipapamahala niya sa kanyang mommy.

Ikinuwento rin ni Sanya na naghahanap pa ng kanyang Kuya Jak Roberto ng mabibilhing lupa para tayuan ng kanilang dream house. Sana raw may mahanap silang lupa na malapit sa GMA Network para malapit sa kanilang place of work.

Biro pa ni Sanya, sana raw ay may mabili silang lupa sa nasa tapat mismo ng GMA-7 building.

Maganda ang takbo ng career niya. This month ay dalawang endorsement agad ang nakuha ng morena beauty from the Kapuso Channel. Una ay ang Ginebra San Miguel Calendar kung saan siya ang pumalit kay Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ang ikalawa ay itong Beautederm kung saan bigla naman siyang naging negosyante.

Inamin ni Sanya na nalungkot siya dahil hindi nakasali sa filmfest ang “Isa Pang Bahaghari”. Pero flattered siya sa papuri ni Direk Joel Lamangan na hindi siya nagpatalbog kay Nora Aunor sa acting.

Hindi siya nagpa-intimidate sa Superstar.

Rita ‘di kailangang magpalaki ng boobs

Isa rin sa bagong endorser ng Beautederm ay si Rita Daniela na willing naman mag-undergo ng procedure para magpaganda.

Importante raw kasi sa artistang katulad nila to look good always. Wala naman daw masama kung mag-undergo ng enhancement para maging sexy.

Happily, hindi naman kailangan ni Rita na magpalaki ng boobs dahil bongga na ang kanyang upper bumpers.

If ever alukin siya ng isang clothing brand na mag-endorse ng undergarments, willing na willing si Rita.

In fact, masipag si Rita na mag-workout to keep herself fit. Pero dahil busy siya sa maraming trabaho lately, ‘yung oras na dapat nakalaan sa pagwo-workout ay itinutulog na lang niya.

Pero she promised na kung magkaroon siya ng maluwag na schedule ay magbabalik siya sa pagwo-workout.

Masaya rin ang partner ni Ken Chan sa “One of the Baes” sa magandang feedback sa kanilang top-rating comedy show.