Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male TV personality kinaiinisan ng cameramen

0 128

Kung bina-bash nang todo ngayon ang isang male TV personality na kumpirmado nang nakalundag ng network ay pinagtatawanan naman siya ng mga dati niyang kasamahan sa iniwanan niyang istasyon.

Maraming kuwento tungkol sa male TV personality na nakakaaliw, may kaartehan din pala siya sa linya ng trabaho, naaalala ngayon ng mga dating katrabaho niya ang mga istoryang ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Pinagtatawanan siya dahil hindi niya napanindigan ang mga ipinagpopo-post niya nu’n! Mahilig kasi siyang pumapel, kapag may isyu, kailangang join din siya!

“Marami siyang kuda nu’n na nasaan na ngayon? Nasaan na ang kuwento niya ng pag-akyat sa tower ng station kapag nagtagumpay ang kanilang istasyon?” tawa rin nang tawang umpisa ng aming impormante.

Humahagalpak din ang source sa mga kaartehan ng male TV personality. Ang unang-unang naiinis pala nu’n sa kanya ay ang mga cameramen ng programa.

Patuloy ng aming source, “Alam n’yo naman ang taong ‘yun, palaging pabibo! Kailangang alam niya ang lahat, di ba? Kapag meron silang kailangang i-shoot sa malalayong lugar, e, bitbit niya siyempre ang kanyang mga cameramen.

“Ang siste, may pagkakuring ang male TV personality, hindi siya maasikaso sa mga kasamahan niya, hindi siya gumagastos dahil may allowance naman daw ang mga kasamahan niya!

“Buy siya nang buy ng mga prutas, tuwang-tuwa naman nu’ng una ang mga staff niya, maalaga pala ang kanilang host! Kaso, hindi naman pala para sa kanila ang mga fruits, ipinakakain niya ‘yun sa mga animals na kinukunan nila!” humahagalpak na kuwento ng aming source.

Nagpaalam naman ang male TV host sa kanyang mga boss, pinayagan siya, marespeto naman ang kanyang paglundag sa kabilang istasyon.

Kaya nga lang, “Kasi naman, masyado siyang nagpadala sa emotion niya nu’ng matanggalan ng prangkisa ang network nila, marami siyang kuda, pero hindi niya naman napanindigan.

“Kataka-taka pa ba naman ang ginawa niya? Pulitiko ang male TV personality, kaya alam niya kung ano ang kahulugan ng pagiging butterfly sa mundo nila!” humahalakhak pa ring pagtatapos ng aming impormante.

Gretchen pinamigay ang ani ni Atong Ang

Dahil sa pagpapakita ng magandang puso ni Gretchen Barretto sa pagbabahagi ng kanyang mga biyaya sa kanyang mga kasamahan sa industriya ay parang siya ang tatakbo ngayong parating na eleksiyon at hindi si Claudine.

Walang-wala kahit sa panaginip lang ni Gretchen ang pulitika, wala siyang planong kumandidato sa anumang posisyon sa gobyerno, ang mabuting puso niya ang nagtulak kay Gretchen na ayudahan ang mga taga-showbiz.

Ang saku-sakong bigas palang ipinamamahagi niya ay ani ng kanyang business partner na si Atong Ang. Napakalawak pala ng sakahan ni AA sa Mindoro.

Sabi ng aming source, “Kesa naman sa umangkat pa ng bigas na pamigay si Gretchen sa iba, ang mga inaani na lang ni Atong Ang ang ipinamigay niya.”

Nahihilig ngayon si Gretchen sa online sabong. Nagkakabiruan nga na ang E-sabong ay nakakuha ng prangkisang pagdalawampu’t limang taon, samantalang ang ABS-CBN ay hindi nabigyan, sugal ang online sabong.

Sabi ng isang kaklase namin sa kolehiyo, “Dati na akong nagagandahan kay Gretchen, pero mas naa-appreciate ko pa siya ngayon dahil sa ginawa niyang pagbibigay ng tulong sa mga showbiz people.

“Ang bango ng name niya ngayon, maraming nagpapasalamat sa kanya, she’s beautiful nga naman inside and out.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.