Abante Tonite Interactive

Maliksi nagdeliber agad kay Black, Bolts

183

Itinulak ng Meralco ang trade sa Blackwater para makakuha ng isa pang shooter na magpapabuka sa depensa ng kalaban.

Nakuha ng Bolts si Allein Maliksi kasama si Reymar Jose, kapalit nina KG Canaleta at Mike Tolomia at dalawang future draft picks.

Sa unang laro sa ilalim ni coach Norman Black, ginampanan agad ni Maliksi ang papel na hinahanap sa kanya.

Nagtuhog agad ng 6 points sa first quarter ang guard na produkto ng UST tungo sa 12 points para tulungan ang Meralco sa 125-99 panalo kontra San Miguel Beer Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We made a trade that we thought would help us a lot,” paliwanag ni Black. “We thought Maliksi would come in and give us floor spacing, surrounding the offense of Allen Durham and he did that.”

Nagbaon nga ng 4 of 9 mula sa field si Maliksi at 2 for 6 sa 3-point range, may 5 rebounds at 2 assists sa loob ng 22 ½ minutes.

Nailabas ng bahagya ang depensa sa paint at nakapag-operate si Durham sa tono ng 29 points mula 9 of 15 shooting at 10 of 12 sa free throws, nakumpleto ang triple-double sa sahog na 15 rebounds at 11 assists. (VE)