Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maliksi pinako ng Meralco

0 207

Tuloy ang ariba para sa Meralco ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 season na pasisimulan sa Philippine Cup sa April 9.

Nabatid kay veterans players agent Danny Espiritu nitong Lunes, na pumirma ng bagong kontrata ang four-time PBA champion at incoming 10-year ro veteran kasama balik team workout ng Bolts nitong February 1 sa Meralco gym sa Ortigas, Pasig.

Ang 33-anyos, 6-4 ang taas at tubong Makati ang pang-anim na pinalagda ng team kasunod nina Reynel Frances Hugnatan, Siverino ‘Nono’y Baclao Jr., Reymar Jose, Raymon Jamer Jamito, at Michael Canete.

Isa sa may maangas na nilaro sa 45th PBA Philippine Cup 2020 si Maliksi kung saan makasaysayang umabot ang Meralkco sa semifnals sa unang pagkakataon. Nag-average ang journeyman ng 10.4 points at 4.1 rebounds. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.