Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maliksi todo ang suporta ng misis

0 269

Hindi maitago ng maybahay ni Meralco forward Allein Maliksi na si Kay Tan-Maliksi ang pagiging personal na virtual cheerer sa 45th Philippine basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

Kaya muling nagtala ng magandang laro ang kanyang mister sa makasaysayang panalo Linggo ng gabi ng Bolts laban sa deposed five-time champion San Miguel Beer, 90-68, sa knockout quarterfinals.

“Congrats my love! Semis bound . Always cheering for you! So so proud of you and your team! *virtually hugging you right now,* post ng ginang sa Instagram account niyang 3ktan.

Nagtala naman si Maliksi ng 11 points, tampok ang perpektong 2-of-2 sa tres, kasama ang tig-i-1 rebound, assist at steal sa 17 minutong paglalaro para makasaysayang sampa ng Meralco sa semis ng all-Pinoy conference. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.