Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maliliit na online negosyo tutukuran ng Salceda bill

0 207

Naihain na ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang isang panukalang batas na magbibigay suporta sa maliliit na ‘online’ negosyo na itinuturing niyang “tagapagligtas ng ating ‘Covid-19 wconomy.’” Kasama sa mga ayuda ang pautang, bigay puhunan, mga pagsasanay at tulong sa pagrehistro.

Ito ay “Online Small Enterprise Support Services Act of 2020” (HB 7698), kung saan ay bigyan ng mga bangko ng pamahalaan ng murang pautang, bigay-puhunan, libreng ‘credit reports’ at iba pang benepisyo at ayuda, bukod sa mga pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang mga may negosyong ‘online’ na hindi lampas sa P1-milyon ang taunang benta.

“Ang maliliit na negosyo ang mga tagapagligtas ng ating ‘Covid-19 economy.’ Higit pang maraming Pilipino sana ang nawalan ng kabuhayan at naghirap kung hindi sila pumasok sa ‘online’ negosyo,” puna ni Salceda na isang kilalang ekonomista.

“Maraming negosyong ‘online’ ang lumitaw sa nakaraang ilang buwan dahil sa pandemya. Malungkot na marami sa kanila ang hindi pa rehistrado, kaya illegal, ngunit sa akin, hindi sila dapat parusahan, dahil naghanap buhay lang naman sila, kundi tulungan na lang na marehistro sila. Maliit at rahistrado man o hindi ang negosyo mo, nakakatulong ka sa ating ekonomiya. Bibigyan ka namin ng ayuda at iba pang benepisyo kung magrerehistro ka at magbabayad ng kaukulang buwis. Patas lang yan,” dagdag niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Salceda rin ang may-akda ng “Digital Economy Taxation Act,” na nakatuon sa malalaking lorporasyong ‘digital’ para mapunduhan ang mga programang tugon sa pandemya at mapasulong lalo ang ‘digital economy’ na “pundasyon ng ating hinaharap. Kung mababalam ang kailangang mga reporma, hindi maganda at gulo ang magiging bunga nito,” paliwanag niya.

Layunin ng HB 7698 ni Salceda na bigyan ng sapat na puhunan at ‘credit access’ ang mga nagnanais na magtatag ng maliliit na negosyong ‘online.’ Inaatasan nito ang mga pampamahalaang bangko na pautangin sila ng puhunan sa mababang interes o tubo lamang, at bigyan sila ng libreng ‘credit reports’ at ‘credit scores.’ Layunin din nitong likhain ang ‘Online Negosyo Center’ at isang ‘small online business one-stop portal’ para sa mga serbisyong ayuda ng gobiyerno, bukod sa pagpapadali sa mga ito.

Inaatasan din nito ang TESDA na bigyan ng akmang pagsasanay sa ‘supply chain management, marketing, packaging, consumer relations, laws and regulations on online selling,’ at iba pang aspeto ng negosyon ‘online.’ ang mga nais maging ‘online entrepreneurs’ Pagkakalooban din ng bigay-puhunan ang mga nawalan ng trabaho matapos ang kanilang pagsasanay.

Sa ilalim ng HB 7698, inaatasan din ang Department of Information and Communication Technology (DICT) at Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang kasalukuyang mga negosyo na lumipat sa ‘online,’ at ang paglikha ng mga negosyong ‘online’ para sa mga pamayanan sa mga lalawigan. Kaugnay nito, inaatasan din ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na magtalaga ng mga pasilidad at sistema sa pagpapautang sa mga magsasakang nais magnegosyo ‘online’ kaugnay ng kanilang pagsasaka, at ang Department of Agriculture (DA) na tulungang mailapit sa merkado ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda.

“Malawak ang saklaw ng mga sebisyong ito para sa nais pumasok sa negosyong ‘online.’ Magandang regalo rin na natuklasan natin ang isang sektor kung saan makakalikha tayo ng kabuhayan at trabaho sa gitna ng pandemya,” ayon kay Saldeda. Pinuna niya na ayon sa ‘Labor Force Survey’ nuong Abril, 28.7% ng mga may trabaho ay mula sa ‘digital sector,’ higit na mataas sa 27.3% noong Abril 2019.

Leave A Reply

Your email address will not be published.