Abante Tonite Interactive

Maliliit na paglabag sa batas parusahan ng community service

By
180

Inirekomenda ng Senate committee on justice and human rights ang pagpapataw ng community service sa halip na ikulong ang mga nasangkot sa maliliit na paglabag sa batas.

Sa Committee Report 621 para sa Senate Bill 2195 o Community Service Act, inihayag ni Senador Richard Gordon na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mga makukulong kaya’t malulunasan ang pagsisikip ng mga bilangguan.

Layon ng panukala na paluwagin ang mga kulungan at isulong ang restorative justice sa pamamagitan ng pagbibigay awtoridad sa mga korte na i-require ang community service sa halip na ha­tulan ng pagkabilanggo ang mga lumabag sa batas na may katumbas na parusang arresto menor at arresto ma­yor.