Abante Tonite Interactive

Malinaw na ang posisyon ni Digong sa WPS – Carpio

By
1,383

Nagpahayag ng suporta si Supreme Court (SC) Acting Chief Justice Antonio Carpio sa joint declaration sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japan Prime Minister Shinzo Abe para sa freedom of navigation at overflight sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Carpio na alinsunod ito sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 na nagsasaad na ang Pilipinas ay may 200 nautical miles exclusive economic zone sa WPS.

“The statement of President Duterte upholding freedom of navigation and overflight in the South China Sea should be the main thrust of our foreign policy in the South China Sea,” ayon kay Carpio.

Dahil dito, malinaw na aniya ngayon ang posisyon ng administrasyong Duterte sa karapatan ng Pilipinas sa WPS.
“Since the Philippines is the adjacent coastal state in the West Philippine Sea, the resources in this exclusive economic zone logically belong exclusively to the Philippines,” wika pa ni Carpio.