Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malinaw sana kay Zarate at Bayan Muna

0 84

Ngayong Setyembre ay muling magpapatupad ng taas singil sa kuryente ang Meralco na aabot sa 21 pesos na dagdag sa bayarin na nag kokonsumo ng 200 KWH kada buwan..

At hanggamg sa ngayon ay hindi pa rin binibitawan ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang isyu ukol sa pagtaas ng singil ng kuryente ngayong buwan.

Pilit na inuudyok ni Zarate ang Meralco na ihinto ang pagpapatupad ng nasabing dagdag singil.

Pero malinaw naman sa paliwanag ng Meralco kung ano ang naging dahilan ng pagkakaroon ng dagdag singil sa buwan ng Agosto. At Setyembre .

Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng singil ng transmission charge ang pangunahing dahilan ng pataas na paggalaw ng presyo ng koryente. Tumaas din ng bahagya ang generation charge.

Paulit-ulit ding sinasabi ng Meralco na hindi ito kumikita sa mga “pass-through” na singil gaya ng generation charge at ng transmission charge. Ang generation charge ay napupunta sa mga kompanyang nangangasiwa sa mga planta ng koryente.

Ang mga tax na nakapaloob sa bill ay isinusumite naman sa pamahalaan. Ang tanging napupunta lamang sa Meralco ay ang distribution charge, na nananatili namang walang paggalaw mula nang nagrehistro ito ng pagbaba noong July 2015.

Batay sa paliwanag ng Meralco, hindi sa kanila mapupunta ang mga ibabayad sa mga naging sanhi ng dagdag singil nipUulitin ko lamang, ang tanging singil na napupunta sa Meralco, ang distribution charge, ay nananatiling walang paggalaw sa loob ng mahigit anim na taon. Kung hindi naman pala ang distribution charge ng Meralco ang naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente ng agosto at ngayong Setyembre .

Kung nais talagang itulak ni Zarate ang ukol sa pagpapahinto ng pagpataw ng dagdag singil, hindi dapat Meralco ang kinakausap nito. Ang may awtoridad na makapagdesisyon ukol sa usaping ito ay ang Energy Regulatory Commission (ERC). Sa isang panayam, mismong ang chairman ng Senate Committee on Energy na si Sen. Sherwin Gatchalian na ang nagpaliwanag sa kung anong papel ng ERC ukol sa presyuhan ng kuryente.

Ayon sa paliwanag ng senador, ang ERC ang makapagsasabi kung rasonable ba o hindi ang ipinapataw na presyo ng koryente. Kung hindi raw aniya rasonable ay maaari itong i-deny ng ERC.

Sa isang panayam sa DZXL ng tagapagsalita ng Meralco na si VP and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, detalyado nitong ipinaliwanag na hindi nila singil ang tumaas kaya’t hindi nila ito kontrolado. Hindi nila kayang i-waive ang singil na hindi naman sa kanila. Kung anumang pagbabago sa presyo ng generation charge, transmission charge, at iba pang singil, ito ay inirereflect lamang din nila sa bill.

Leave A Reply

Your email address will not be published.