Abante Tonite Interactive

Maling cell number kinalat ng politiko

325

Madali daw lapitan ang isang politiko basta’t hindi ito hihiritan ng tulong pinansyal.

Kung tsikahan lang, game ang politiko na magbabad sa kwentuhan kahit sa mga taong doon lamang niya nakilala.

May mga pagkakataon na hinihingi pa sa politiko ang number nito sa cellphone at hindi naman sila nabibigo.

Yun nga lang, mukhang naisahan sila ng politiko dahil wala namang sumasagot kapag tinatawagan ang binigay na cell number.

Hinala ng iba, sinadyang maling number ang ibinigay ng politiko upang hindi siya matawagan ng mga taong bago lang niya nakilala at hindi niya pinagtitiwalaan.

Clue. Ang politiko na nagbigay ng maling cellphone number ay bihirang tumawa at magpagupit. May letrang G sa kanyang pangalan.