Abante Tonite Interactive

Maling paraan sa paggawa ng ‘art’

231

Dear Abante Tonite:

Tama lang talaga na ideklarang persona non grata ang militanteng grupong Panday Sining dahil hindi naman talaga tama ang kanilang ginawa na dumihan ang ilang bahagi ng Maynila dahil hindi naman biro ang ginawang pagsisikap ng mga tauhan ng gobyerno sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno upang muling pagandahin ang lungsod.

Ang mga ganitong kabataan o grupo ay hindi dapat ­tularan dahil sa totoo lang, hindi naman talaga paraan ang ­pagbandalismo upang ipahayag ang isang saloobin. Maraming paraan para tawagin ang atensiyon ng pamahalan sa isang isyu ng bayan na hindi kailangan dumihan ang kapaligiran.

At kung totoong ang militanteng grupo na Panday ­Sining ay talagang naiintindihan ang salitang “Art” aba’y hindi ganyan ang tamang art na kanilang alam at sa totoo lang, nagbibigay o nagtuturo sila sa ibang kabataan ng maling impresyon sa paggawa ng “Art”.

Related Posts

Kawawa naman ‘yung mga national artist dahil ginawa nilang madumi ang salitang “Art”.

Nakakapanghinayang dahil karamihan ng mga ­miyembro ng Panday Sining ay kabataan. Nararapat sigurong ­mapagtuunan nila ng pansin kung paano sila makakahanap ng tamang trabaho o pagkakaabalahan upang makatulong sa kanilang pamilya, bayan at kapaligiran at hindi iyong dagdag pasanin ng pamahalaan. Huwag na dapat silang tularan.

Sandra Ballaran
Peace Advocate