Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malixi ‘di papipigil sa COVID

0 46

Handang mas kuminang ang magiging sing-abala pa rin gaya ng bubuyog, ang 14-anyos na golf prodigy na si Rianne Mikhaela Malixi sa kabila na sumisirit pa rin ang pandemya ngayong Enero.

Saltong makapagdepensa ng korona sa kinanselang National Stroke Play Championship ngayong buwan dahil sa COVID-19, hindi pa rin papipigil ang tinedyer na shotmaker na umangat pa sa sport sa taong ito.

“The pandemic will never affect my motivation to get better. Though my plans were disrupted again, it gave me time to fine tune my swing at home,” giit ng manlalarong nasa pangangalaga ng ICTSI nitong Miyerkoles. “I also hope to get stronger through my workouts, so I am confident to cope well and be competitive.”

Tulad noong 2020 nang pumutok ang pandaigdigang krisis sa kalusugan, nakatuon si Malixi na makipagratratan ng talento sa ibayong dagat sa 2022, kabilang ang pagtatanggol ng titulo sa American Junior Golf Association-Se Ri Pak Desert Classic sa Hunyo sa Florida.

Paghahandaan din niya ang US Girls’ Junior sa Kentucky sa July 18-24, at US Women’s Amateur sa Washington sa Aug. 8-14 na rito’y pareho siyang umabante sa match play, tampok ang Last 16 finish sa huling event sa nagdaang taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.