Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mall sa Nueva Ecija pinasara ni mayor

0 313

Ipinasara pansamantala ni Gapan City Mayor Emerson Pascual ang operasyon ng isang mall sa Bucana makaraang magpositibo sa rapid test ang isang empleyado nito.

Iniutos ni Pascual ang agarang swab test sa nagpositibo at hintayin ang resulta ng mga pagsusuri bago muling buksan ang mall.

Nagsagawa naman ng contact tracing sa mga nakilamay at nakipaglibing noong Sabado sa Brgy. Sinasajan Peñaranda.

Ayon kay Mayor Joey Ramos noong Sabado lang nakumpirma na isang PUI na nasawi mula sa Caloocan City ang inuwi na wala pang test result nito. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.